Home OPINION BETRAYAL OF PUBLIC TRUST VS VP SARA

BETRAYAL OF PUBLIC TRUST VS VP SARA

2
0

ISANG testigo na lang yata ng prosekusyon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang magpapatunay sa grave threats o seryosong pagbabanta sa buhay umano ni Vice President Sara Duterte kina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at ex-Speaker Martin Romualdez.

Itong grave threats, kasama ang inciting to sedition o pagtutulak sa mga tao na magalit sa gobyerno o awtoridad hanggang sa mag-aklas sila, ang isinailalim sa Betrayal of Public Trust o Pagtataksil sa Tiwala ng Taumbayan bilang impeachable offense.

Itong Pagtataksil sa Tiwala ng Taumbayan ang ika-4 na impeachable offense ngunit inunang iprisinta ng prosekusyon sa layunin nitong patalsikin sa pwesto si VP Sara.

Kung iisipin, kasama na ito ng unang impeachment noong Pebrero 5, 2025 na idineklarang void ab initio o walang bisa o saysay simula’t simula ng Supreme Court.

Nagsimula ang akusasyong Pagtataksil sa Tiwala ng Taumbayan sa mga imbestigasyon ng Quadcom sa Kamara bago pa gumalaw ang Kamara para i-impeach si VP Sara ng dalawang beses.

Dito natin sinimulang subaybayan kung nasira nga pagtitiwala ng taumbayan kay kay VP Sara.

Sa Social Weather Station noong Enero 2025, may +19 siyang grado ngunit lumundad ito sa +36 sa Abril; +38 sa Hunyo; 61% sa kalagitnaan ng taon; at bumaba sa +31 sa Nobyembre.

Ngayon 2026 naman, lumabas ding may 54% nagtitiwala sa kanya noong Marso at tumaas pa sa 55% nitong Hunyo sa kabila ng mahigit isang taon nang pagsira ng kanyang mga kritiko sa Pagtitiwala ng Taumbayan sa kanya.

Kabaligtaran naman nito ang pagtitiwala kay Pang. Bongbong na 48% noong Hunyo 2025 na bumaba sa 43% noong Setyembre at -3 noong Nobyembre 2025, ayon sa SWS.

Pero sa Pulse Asia, sa 100 katao, 25 lang ang nagtitiwala noong Marso at lumala sa 12 katao sa pinakahuling sarbey ng Publicus Asia.

Say nyo, mga brad?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here