Home OPINION COL. LACHICA PINAG-IISIPAN PA LANG MAGING TESTIGO NG PROSEKUSYON?

COL. LACHICA PINAG-IISIPAN PA LANG MAGING TESTIGO NG PROSEKUSYON?

2
0

ANO kaya ang pumipigil sa prosekusyon o anti-Vice President Sara Duterte group para ipatawag si Col. Raymund Dante Lachica bilang testigo sa nagpapatuloy na impeachment trial ni VP Sara?

Dating pinuno si Lachica ng Vice President Security and Protection Group at susi ito sa kung saan napunta ang mga confidential fund ni VP Sara sa Office of the Vice President at Department of Education.

Sinabi ni prosecution adverse witness Gina Acosta, dating Special Disbursing Officer ng OVP, na kay Lachica ibinigay lahat ang nasa P500 milyong confidential fund para sa huling kwarto ng 2022 hanggang ika-3 kwarto ng 2023.

Dahil sa paulit-ulit na pagbanggit kay Lachica na siya ang gumastos bilang eksperto sa confidential operations, inasahan ng marami na ipatawag ito ng prosekusyon bilang isa ring adverse witness.

Pero nakapagtatakang “pinag-iisipan” pa nila kung ipiprisinta ito na adverse witness sa gitna ng huling pahayag mismo ni Lachica na handa siyang tumestigo at maglahad ng buong katotohanan.

Ang nakikitang katwiran ng prosekusyon, baka makasama pa sa kanila ang anomang testimonya ni Lachica sa halip na sandatang makakikitil sa paglalakad ni VP Sara sa upuan ng Palasyo ng Malakanyang sa halalang 2028…kung matutuloy ito.

Nagkakaroon tayo ng pagdududa sa nasabing halalan dahil mismo si VP Sara ang naghuhudyat ng pagdududa.

Bakit nga ba bantulot ang prosekusyon sa pagprisinta kay Lachica na testigo?

Akala ko ba gusto nila ang buong katotohanan sa bintang nilang winaldas o ninakaw ni VP Sara ang confidential funds?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here