
NAGSIMULA na naman ang ‘black propaganda’ laban sa China, partikular sa patuloy na pag-ungos nito sa ‘Tadong Unidos at ‘Western countries’ sa teknolohiya, partikular sa ‘Artificial Intelligence’.
Kasabay nang pagbalik ni Donald Trump bilang pangulo ng Amerika nitong Enero 20, “ibinigay” naman ng China sa mundo ang ‘Deepseek R1,’ isang programa ng AI na ayon sa mga eksperto ay sadyang “mas magaling” sa ‘OpenAI’ at ‘ChatGPT’ ni Bill Gates at Elon Musk.
Yes, dear readers, LIBRE ang Deepseek, kaya download na!
Mahigit isang dekada nang ‘nagre-research’ ang mga Kano at EU hinggil sa AI kung saan tinatayang aabot na sa 1-trilyong dolyar ang nagagastos.
‘AI research’ din ang palusot ng mga ‘Big Tech companies’ katulad ng Google, Microsoft, NVIDIA at TESLA para dominahin ang ‘global stock market.’
Sa pag-eksena ng Deepseek, sinasabing lagpas sa 500-bilyong dolyar ang agad “nawala” sa ‘stock price’ ng NVIDIA at Microsoft!
Sino ba kasi ang “mamumuhunan” pa sa AI na inilalako ni Bill Gates at Musk kung meron namang mas magaling– at libre pa?
At siyempre, “sampal” ito sa kahambugan ng Amerika na ‘always feeling superior’ sa lahat ng bagay.
Bilang pantapal sa inabot na kahihiyan at maisalba ang bilyones na gastos sa paggawa ng AI, ipinakakalat ngayon ng mga Kano na “ninakaw” lang ng China sa kanila ang teknolohiya ng Deepseek.
Pinagbawalan din ang ‘US military’ sa paggamit ng Deepseek dahil ito raw ay ‘threat to national security.’
Palagi namang ganyan ang Kano. Basta hindi sila ang nakadiskubre o gumawa, “ninakaw” o “banta sa seguridad” ang gasgas na palusot nila.