Home OPINION HIGH RANKING OFFICIAL BUKING ANG SEX SCANDAL

HIGH RANKING OFFICIAL BUKING ANG SEX SCANDAL

USAP-USAPAN ngayon ng mga “Marites” at “Marisol” sa loob ng isang malaking departamento ng pamahalaan ang nangyaring pagtatalik sa pagitan ng isang lalaking mataas na opisyal (high ranking official) at isang lalaking ordinaryong empleyado (rank and file employee). Sa madaling salita, pareho silang bading.

Nagkakilala raw sina HRO at RFE sa isang dating app at sa mga unang swipe pa lang ay nag-matched na agad sila. Alam daw ni RFE na isang boss sa Government Agency si HRO pero hindi batid ng opisyal na nagtatrabaho din doon ang kawani kaya siguro nag-go si HRO para sa isang meet-up.

Humantong ang lahat sa loob ng isang hotel at nang magpilian na sila ng role sa pag-se-sex o kung sino ang top or bottom, pinili raw ni HRO na siya ang bottom. Pa-girl ang hitad, ha-ha-ha!

Ngayon ay katakot-takot na kahihiyan ang inaabot ni HRO dahil putok na putok na sa buong ahensya ang kanyang iskandalo. Papaano pa niya magagampanan ang kanyang tungkulin at trabaho kung wala nang respeto at pinagtatawanan na siya ng mga tao sa kanyang trabaho?

Ang mga clue sa kung sino si HRO ay mahilig itong mamigay ng GC, as in gift certificate, at bagay ang paborito niyang sex position sa kanyang aktwal na posisyon sa Government Agency…under.

Simula pa lang ang pagbubulgar na ito tungkol kay HRO at marami pang ibang pasabog tungkol sa kanya. Abangan, may kasunod pa!

                                     *   *   *

Sa wakas ay may isang matapang na mambabatas, sa katauhan ni Senator Raffy Tulfo, na nanawagan sa Philippine Charity Sweepstakes Office na isapubliko ang totoong pagkatao ng mga nagwawagi sa lotto jackpot. Marami nga naman kasi tayong mga kababayan na nagdududa sa resulta ng lotto, kaya panalo ang panawagang ito ni Sen. Raffy, sa ngalan ng transparency at katotohanan.

Sa tuwing may “nakadaragit” na “solo winner” sa jackpot ng lotto, maraming mananaya ang ayaw maniwala at inuulan ng batikos ang PCSO.

Ayon kay Sen. Raffy, hanggang hindi ginagawa ng PCSO na ipakita ang mukha ng jackpot winners, hindi matatapos ang pagdududa ng taumbayan sa resulta ng lotto.

Kung sa ibang bansa nga, kagaya ng Amerika, inilalantad sa publiko ang mga nananalo sa kanilang lottery games. E bakit nga naman hindi ito magawa sa Pilipinas?

Sana ay magpasa ng panukala sa Senado si Tulfo na maghihikayat sa PCSO na ilantad ang tunay na pagkatao ng lotto jackpot winners. At sana ay makakuha siya ng suporta sa mga kasamang senador nang magkaroon ng kapanatagan ang mga mananaya sa lotto na ang kanilang perang isinasapalaran ay totoong bumabagsak sa bulsa ng tunay na nagwagi.