Home OPINION HUWAG BUMITIW SA PULBUSAN SA KAMARA

HUWAG BUMITIW SA PULBUSAN SA KAMARA

64
0

MARAMING nagaganap sa Kamara na dapat subaybayan ngtaumbayan.Kasama na rito ang lumiliyab na impeachment laban kay VicePresident Sara Duterte na dahilan ng pagkahati-hati ng mga kongresman.

At may sumulpot pang lalong nagpapaliyab sa sitwasyon atpagkahati-hati ng mga kongresman…ang mga pasabog ni Batangas 1st DistrictRepresentative  Leandro Leviste. Masasabi lang na walang duda na makakamit ng mga anti-VPDuterte ang katlo o one third boto ng plenaryo sa Kamara upang maiakyat na ang Article of Impeachment sa Senado na roon magsisilbi ang mga senador bilang hukom at magsasagawa ng paglilitis.

Bagaman sinasabing maging conscience vote ang magiging batayan, maaaring makaiimpluwensya rito ang “agua de pataranta” na umano’yibinubuhos sa bulsa ng mga kongresman. Nagkakahalaga ng P1.3 bilyon ang agua de pataranta, ayon sa pahayagang Abante, ang ibinuhos para lamang sa House Committee on Justice nabinubuo ng 55 mambabatas para maideklara ang probable cause laban kay VP Sara.

Hindi tuloy mapipigilan ang iba na mag-isip na lalong mas maraming nakamaletang agua de pataranta ang maibubuhos na sa plenaryo dahil nasa 315 ang mga kongresman, kabilang na ang 254 na may sariling distrito.Itong ibang lumiliyab ay mula sa ilang kongresman na hindinagpapasiper ng bunganga sa usaping korapsyon, kabilang na si Legarda-Leviste.

Kung nagagawa nilang paglaruan si Cavite Representative KikoBarzaga, tila hindi nila nagagawa ito kay Legarda-Leviste at ilan pang hindi kumporme sa lahat ng kagustuhan ng mayorya.Sa kabila ng malinaw na harassment kay Legarda-Leviste,kasama ang pagsasara ng sesyon laban sa kanya sa oras na gusto niyang magsalita, nagagawa pa rin nitong makasingit at maglabas ng para sa kanya aymga katotohanan sa daan-daang milyon o bilyon-bilyong korapsyon sa halalan at proyekto ng pamahalaan.

Kaya naman, kung nais nating matanawan ang “katotohanan” sa mga usaping ito sa Kamara, hindi dapat bumitiw ang lahat sa pagsubaybay sa mga session, lalo’t higit namang bukas ito sa publiko kaysa hindi. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here