Home METRO Imahe ng Our Lady of Fatima lumuha ng dugo sa CamSur

Imahe ng Our Lady of Fatima lumuha ng dugo sa CamSur

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng Simbahang Katoliko ang mga ulat na pagluha ng dugo ng imahe ng Our Lady of Fatima sa Sagñay, Camarines Sur.

Ang insidente ay naiulat na nangyari noong Marso 20, 2024 nang dalhin ang imahe mula sa isang bahay patungo sa isa pa bilang bahagi ng tradisyon sa lugar.

Pagdating ng imahe sa bahay ni Salvacion Navalta, may tumulo umanong likido mula sa mga mata nito na pinaniniwalaan ni Navalta na dugo.

Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa insidente at nakarating sa kumbento ng Saint Andrew the Apostle Parish sa bayan.

“Hindi naka kibo si Father, buhay na buhay po talaga yung dugo niya,” ayon naman sa isang nakasaksi.

Gawa sa fiberglass ang imahen na umano’y nagbuhos ng dugo at nasa kanila sa loob ng dalawang taon.

Ang insidente ay nakakuha ng atensyon ng Archdiocese of Caceres.

Magsasagawa ng pagsusuri at imbestigasyon ang Simbahang Katoliko upang matukoy ang authenticity ng ulat at makita kung ang nangyari ay maituturing na isang milagro.

Ang prosesong ito ay maaaring tumagal ng mahabang panahon, posibleng mga taon.

Bukod sa Simbahang Katoliko sa Pilipinas, maaari ding imbestigahan ng Vatican ang insidente. RNT

Previous articlePAGASA sa publiko: Mag-ingat vs mapanganib na tag-init!
Next article1M license cards ipapakalat na sa Abril 1