Home OPINION IMPEACHER NI VP SARA KAKATIGAN KAYA NG DIYOS?

IMPEACHER NI VP SARA KAKATIGAN KAYA NG DIYOS?

1
0

HINDI lang nagdasal kung nagpamisa pa ang grupo ng gustong mag-impeach o nagsakdal kay Vice President Sara Duterte upang matanggal ito sa pwesto.

Nakita sina Congressman Gerville Luistro, Leila de Lima at iba pang miyembro ng prosecution panel na taimtim na nagdasal sa misa habang ang isang nagsalitang pari ay tahasang ipinagdasal na matalo at masibak si VP Sara.

Walang dapat ipagtaka sa ganitong pangyayari dahil normal ang ganitong uri ng labanan na kaiba sa labanan sa halalan.

Pinatalsik nga si Pangulong Ferdinand Marcos Sr., makaraan itong manalo sa snap election laban kay ex-President Cory Quirino noong Pebrero 7, 1986 at matapos ang People Power noong Pebrero 25, 2026 din, iniluklok sa Malakanyang si Cory.

Kasabay ng pag-impeach ang maniobra ng prosecution, kasabay ng mga kaalyado nilang mga kongresman, senador at taga-Palasyo, na ibahin ang kahulugan ng “No person shall be convicted without the concurrence of two-thirds of all the Members of the Senate.” (Article 11, Section 3 (6), 1987 Constitution)

Gustong nilang palabasin na tanging ang lahat lang ng mga senador na “present” sa araw ng paghuhusga ang masasabing “all members of the Senate” at sila lang boboto para sa “conviction (nagkasala) o acquittal (pagpapawalang-sala)

Sa ngayon, hawak ng “anti-VP Sara” ang beat sa bilang na 13 senador ngunit hindi mako-convict nila si VP Sara dahil 16 ang kailangan dito…kung susundin ang Konstitusyon gaya ng iginigiit nina dating Chief Justice Hilario Davide at Associate Justice Adolfo Azcuna na kabilang sa mga gumawa ng 1987 Constitution.

Kaya umaasa ang prosecution na may makukulong na sapat na bilang ng senador at hindi maging present ang mga ito sa araw ng paghuhusga at mabawasan ang kinakailangang 16 para sa conviction at magwagi sila.

Paano naman kaya kung matalo sila, kasama ang mga pari at madre, na nagdasal at nagmisa?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here