Home OPINION KAILANGANG MAG-RESIGN SA KORAPSYON

KAILANGANG MAG-RESIGN SA KORAPSYON

261
0

MAGANDA ang ipinakikita ng ibang mga bansa ukol sa korapsyon sa kani-kanilang mga pamahalaan.

Isang halimbawa ang sa South Korea.

Kamakailan lang, nagbitiw si Ocean Minister Chun Jae-soo makaraan siyang akusahan na tumanggap ng $20,500 o P1.210 milyon at dalawang mamahaling relo mula sa maimpluwensyang relihiyon na Unification Church na may tatlong milyong tagasunod sa buong mundo.

Sa kabila ng kanyang hindi pag-amin sa bintang, sinabi ni Chun, “Bilang opisyal ng gobyerno, tama lang na mag-resigan ako upang hindi madamay at magkamali ang gobyerno sa paggampan nito ng tungkulin.”

Mismong ang dating pinuno ng global headquarters ng simbahan na si Yun Young-ho ang nag-akusa kay Chun.

Tinanggap naman kaagad ni President Lee Jae Myung ang pagbibitiw nito.

Nauna rito, nakakulong ngayon ang dating Pangulo nila na si Yoon Suk Yeol makaraan itong magdeklara ng martial law nang magkagulo sa mga protesta ang South Korea sa pagtanggap ng kanyang First Lady ng mga mamahaling bag at cash mula sa nasabing simbahan.

Bukod sa maimpluwensya, lumaki ring higanteng kompanyang pangnegosyo ang Unification Church bilang kontraktor sa imprastraktura, food manufacturer at may-ari ng mga eskwela at kompanyang media.

Habang nangyayari ito, bigla nating naalaala ang mga nagaganap na bilyon-bilyong pisong kikbakan hindi lang sa flood control projects kundi sa konstruksyon ng mga eskwela, ospital, farm-to-market road.

Mayroon pang pagkumpiska ng P120 bilyong pondo ng PhilHealth at P106B pondo ng Philippine Deposit Insurance Corporation para ilagay lang sa mga proyektong pinagkikikbakan.

At napakarami na ang mga pinangangalanang mangingikbak na higit na masahol kay Chun.

Tanging sina dating Executive Secretary Luis Bersamin, Budget Secretary Aminah Pangandaman at iba pang maliliit na opisyal ang nagsipag-resign.

Nananatili sa pwesto at lalong tila walang makukulong na higit na malalaking opisyal ng gobyerno kahit itinuturo na silang may gawa ng pinakamalalaking korapsyon.

Anong meron kaya sa Pinas at sobrang kapal ng mukha at kapit-tuko sa pwesto ang mga korap?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here