Home OPINION KARAGDAGANG ALLOWANCE SA PUBLIC SCHOOL TEACHERS APRUB KAY PBBM

KARAGDAGANG ALLOWANCE SA PUBLIC SCHOOL TEACHERS APRUB KAY PBBM

May magandang balita sa ating mga Guro! May lagda na ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. ang Republic Act No. 11997 o mas higit na kilala bilang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na nagbibigay ng karagdagang allowance sa mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Layunin ng batas na mabawasan ang dumaragdag na gastusin ng isang guro sa pagbili ng mga pangangailangang materyales sa pagtuturo katulad ng chalk, eraser, at iba. Madalas kasing sa sariling bulsa pa niya ito nanggagaling. Malaking tulong ito para mas mabigyang atensyon ng guro ang paghahanda ng kanyang mga leksyon at makapagturo ng mas maayos kaysa bigyan pa siya ng mga alalahanin.

Mula sa dating Php 5,000 ay magiging ten Php 10,000 na ang teaching allowance na epektibo sa school year 2025 – 2026. Ayon kay Pangulong BBM, hindi saklaw ng income tax ang teaching allowance, at siniguro niyang nasasaad ito sa batas. Ganito rin ang binigyang-diin ni Senador Sonny Angara na isa sa mga nagsulong ng batas.

Nagsimulang magkaroon ng teaching allowance noong 1988 sa halagang Php 100.00 na umakyat hanggang Php 5,000 nitong 2021. Ang pinakamalaking pagtaas ay sa kasalukuyang admi­nistrasyon nangyari.

Muling pinapurihan ni Pangulong BBM ang mga pampub­likong guro dahil sa kanilang sakripisyo at pagtitiyagang maturuan ang mga mag-aaral na Filipino sa gitna ng mga hamon sa sektor ng edukasyon.

Ang mga guro ang siyang pangalawang magulang ng mga mag-aaral. Ito ay maliwanag nating nakikita at nadarama sa kadahilanang sa buong maghapon sa buhay ng mga kabataan na nagsisipag-aral, kasama nila ang kanilang mga guro. Mula pa sa umaga, hanggang matapos ang mga aralin sa hapon, ay si titser ang kanilang kasama.

Ang guro ay matiyagang nagtuturo sa kanyang mga mag- aaral, hindi lamang ng mga asignaturang nasa kurikulum, kundi maging ng wastong pag-uugali, pagiging mabuting tao, higit sa lahat may banal na pagkatakot sa Diyos.

Ang disiplina ay nagsisimula sa tahanan pero ipinagpapa­tuloy ito ng mga guro sa mga paaralan dahil sila ay tumatayong parang pangalawang magulang ng mga bata. Tandaan natin, kahit pa magaling ang bata, sa reyalidad ng buhay, kailangan ang diskarte at kagandahang-asal upang higit na magtagumpay. Ito ang nagmumula sa mga guro, tamang kaalaman.

Kamakailan lamang ay inaprubahan ng DBM o ng Department of Budget and Management ang pagkuha ng limang libong piso (Php 5,000) na mga non-teaching personnel ng Kagawaran na siyang gagawa ng mga administratibong gawain ng mga guro.

Nakatakda silang tumanggap ng salary grade no. 11 o katumbas ng Php 27,000 kada buwan.