MANILA, Philippines – Itinanggi ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) chief legal counsel Atty. Israelito Torreon ang pahayag ng pulisya na may na-detect silang tibok ng puso sa umano’y bunker sa loob ng KOJC compound sa Davao City.
Sa ambush interview nitong Lunes, Agosto 27, sinabi ni Torreon na hindi niya alam na may bunker sa loob ng ari-arian ng puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.
Itinanggi ni Torreon ang sinabi ng pulisya na may nadetect na heartbeat sa bunker.
“Ako matagal na po akong abogado ng KOJC, ‘di ko alam na may bunker pala yan so I tried to convince them na that is not true of course they have their own version perhaps to legitimize their continued illegal stay in the premises of KOJC. Allegedly may heartbeat daw pero yung pag-open kasi eh tubo pala, yung pangalawa eh daga,” ani Torreon. RNT/JGC