Home NATIONWIDE Pating na ibinibenta sa palengke sa Sorsogon, tututukan ng BFAR

Pating na ibinibenta sa palengke sa Sorsogon, tututukan ng BFAR

319
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na imomonitor ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bicol ang mga pamilihan at fish landing sites sa rehiyon matapos makumpirma ng mga awtoridad ang bentahan ng pating sa Matnog, Sorsogon.

Ininspeksyon ng BFAR Bicol ang naturang pamilihan kung saan umano ibinibenta ang mga pating.

Dito kinumpirma ng ahensya na ibinibenta nga sa merkado ang Coral Catsharks at Whitetip Reef Sharks.

Klasipikado ang Whitetip Reef Shark bilang vulnerable species at protektado sa ilalim ng RA 10654 at international conventions dahil sa bumababang populasyon.

“On the other hand, ito pong whitetip reef shark, classified siya as vulnerable species sa CITES (the Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora),” ani Rowena Bricia-Briones, BFAR Bicol Spokesperson.

“So ibig sabihon strictly na ipinagbabawal ang pagdakop asin pagpabakal kaining species na ini,” dagdag niya.

Bukod sa pinaigting na monitoring ng mga pamilihan at fish landing sites, maglalabas din ng educational materials ang BFAR upang abisuhan ang mga nagtitinda at ang publiko sa mga ipinagbabawal na species.

“Kaya napakahigpit ng Matnog pagdating sa law enforcement—sa fishery and law enforcement, actually yung bantay dagat namin dito [ay] 19 — naka assign yan dito sa opisina ko,” ayon kay Engr. Emmanuel de Guzman, Municipal Agriculturist ng Matnog.

Ang sinumang mahuhuling nagbebenta, bumibili o nagbibiyahe ng protected species ay mahaharap sa mulang P300,000 hanggang P1 milyon at pagkakulong na mula lima hanggang walong taon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here