Home OPINION KRITIKONG SENADOR INUUBOS SA IMPEACHMENT

KRITIKONG SENADOR INUUBOS SA IMPEACHMENT

1
0

SA gitna ng impeachment trial na isinasagawa ng Impeachment Court, unti-unting inuubos ang mga senador na kritiko ng pamahalaan o nasa oposisyon.

Hindi dumadalo sa sesyon at nagtatago si Senador Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa pang-aaresto ng pamahalaan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court.

Pinabilanggo naman ang dalawang senador sa paratang na plunder.

Ngayon naman, sinusubukang ipakulong si Sen. Alan Peter Cayetano sa paratang ding plunder.

Ang dalawa, bumaligtad patungo sa mayorya makaraang paratangan ang mga ito ng plunder din.

Sa kabila ng mga pangyayaring ito, tinatawag pa rin ng Kalihim ng Impeachment Court ang mga pangalan ng tatlong senador na wala sa pagdinig kaya 24 pa rin ang mga senador.

Sakaling makulong si Cayetano at iba pang susunod na ipakulong, maaaring manatiling 24 pa rin ang tatawaging senador bawat hearing.

Ngayon naman, may nagsusulsol o nakaiisip na kwestiyunin sa Supreme Court ang pagkilala sa 24 senador na boboto sa katapusan ng trial para ideklarang guilty o inosente si Vice President Sara Duterte.

Ito’y para ibaba ang threshold o epektibong minimum na boto mula lamang sa bilang ng mga senador na dumadalo sa paglilitis.

Mula sa 24 na senador, 16 ang minimum na bilang nila para bumoto na madeklarang guilty si VP Sara at ayon ito sa takda ng 1987 Konstitusyon sa Article 11, Section (6).

Sinasabi sa nasabing probisyon, “Walang tao ang maipagkakasala o mapapatawan ng hatol nang walang pagsang-ayon ng dalawang-katlo ng lahat ng mga Kasapi ng Senado.”

Pinanindigan ni Presiding Officer Chiz Escudero ang 16 na bilang mula sa nasabing probisyon at maging si dating Chief Justice Hilario Davide na kasali sa pagbuo noon ng 1987 Konstitusyon.

Sakaling makarating nga ang isyung ito sa Supreme Court, ano naman kaya ang magiging desisyon nito?

Maghintay tayo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here