Home OPINION NASAAN PABAHAY NI FVR?

NASAAN PABAHAY NI FVR?

1
0

MAY bago na namang kontrobersyang inaasahan nating sasabog sa mga darating na araw, mga kabayan.

At walang kinalaman dito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kahit pa ang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa katunayan, mas makabubuti kay PBBM na agad niyang paimbestigahan dahil malaking salapi—daang bilyones kundi man trilyong piso– ang pinag-uusapan dito.

Nalaman kasi natin na sa administrasyon ni Pang. Fidel “Tabako” Ramos, binalak magtayo ng ‘mass housing’ para sa higit 13,000 pamilya sa dating 244- ektarya na ASF (Alabang Stock Farm’ (ASF) na mas kilala natin ngayon bilang ‘Festival Mall’ sa Alabang, Muntinlupa City.

Ang ASF ay orihinal na pag-aari ng Public Estates Authority na ngayon ay ‘Philippine Reclamation Authority’.

Bandang 1997, sa huling taon ni “Tabako” sa Malakanyang, inatasan ang PEA/PRA at ang Department of Environment and Natural Resources na asikasuhin ang nasabing mass housing, katulong ang pribadong sektor, ang Filinvest Land Corporation. Natapos naman ang transaksyon sa panahon ni Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Nalaman pa natin na “kakaiba” ang “kalakaran” noon sa DENR rat PEA dahil halos IISA lang ang kanilang set of officers. Kumbaga, “palipat-lipat” lang sila ng posisyon sa dalawang ahensya (at minsan nga, opisyal na ng PEA, opisyal pa rin sa DENR).

Kinumpirma sa atin ng ilang ‘oldtimers’ sa DENR na nang mapag-usapan ang ibinibidang housing project ni Tabako partikular sa mga empleyado ng DENR, kasama sila sa mga “inalok” subalit tinanggihan nila.

Dangan kasi, sa halip na sa orihinal na lokasyon, aba’y inilipat ang proyekto sa Cavite at ‘row house’ na ang iniaalok sa kanila, hindi na ‘single detached’ na pangit pa (raw) ang pagkakagawa!

Kung may nangyaring ‘swap deal’ sa pagitan ng DENR noon at Filinvest kaya wala tayong makitang kahit isang bahay para sa mahihirap dyan sa dating ASF, eh hindi ba magandang imbestigahan?

At “nangungulit” na (raw) ngayon ang DENR sa PRA na “isuko” na sa kanila ang titulo ng lupa pero ang problema, nasaan nga ang pabahay ni FVR, na orihinal na layunin ng proyekto, aber?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here