Home OPINION MAGDASAL PARA SA HALALANG 2028 – VP SARA

MAGDASAL PARA SA HALALANG 2028 – VP SARA

80
0

“WE can only pray that there will be a presidential election in 2028 and it will be honest, orderly and peaceful.”

Ito ang sagot ni Vice President Sara Duterte makaraan siyang tanungin kung kakandidato siya sa 2028 na sinagot naman niya na “presumptive candidate” na siya dahil nauna na siyang nagdeklara noon pang Pebrero 18, 2026.

Pero bakit kaya inihayag ni VP Sara ang kanyang pagdududa na magkaroon ng halalang 2028?

Tiyak na meron siyang malalim na kaalaman at batayan kung saan patutungo ang Pinas sa usaping ito.

Para sa atin, nauna nang nagkaroon ng pagkilos noon para sa pagbabago ng Konstitusyon o Charter Change o Cha-cha patungo sa sistemang parliamentaryo.

Sa sistemang ito, hindi na ang mga tao ang boboto sa pinakamataas na pinuno ng bansa kundi ang mga ministro na bubuo ng parliament at tatawagin na ang pinuno na Prime Minister at hindi na Pangulo.

Kapag may maimpluwensya at maperang miyembro ng parliamento na kayang manaapal ng pera sa mga ministro sa pagpili ng Prime Minister, maaaring siya na ang magiging Prime Minister.

Tanong: Sakaling manalo sa lokal na halalan si VP Sara at maging ministro, may impluwensya ba siya at higit pa, may pera ba siya, para bilhin ang mga boto ng mga kapwa niya Ministro para maging Prime Minister siya?

Alalahaning sinasabi ng iba na ngayo’y pera-pera na karaniwan ang halalan, para man sa mababa hanggang sa pinakamatataas na posisyon.

Ngayon naman, direktang hinaharang si VP Sara sa kanyang “kandidatura” sa pamamagitan ng impeachment at walang nakaaalam kung hahantong ito sa kanyang diskwalipikasyon bilang kandidato.

Hindi pa kasama rito ang posibleng pagharang sa kanya na maging Pangulo bilang kapalit ni Pangulong Bongbong Marcos sakaling mawawala ito sa pwesto dahil nagkakasakit nga ito at pasok-labas ito sa ospital, ayon mismo kay Manang Senator Imee Marcos.

Mapadarasal nga tayo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here