Home OPINION MAHIGIT 11,000 KAWANI NG GOBYERNO LUMAHOK SA COASTAL CLEAN-UP

MAHIGIT 11,000 KAWANI NG GOBYERNO LUMAHOK SA COASTAL CLEAN-UP

NAKIBAHAGI ang mahigit 11,000 na empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), mula sa local government units, pribadong sektor, at mga barangay ang lumahok sa sabayang coastal clean-up sa Luzon, Visayas at Mindanao sa isinagawang coastal clean-up activity kaugnay sa pagdiriwang ng “World Oceans Day” at “Coral Triangle Day” nitong June 8 at 9, 2024 na may temang “Awaken New Depths”.
Ayon sa DENR, ang aktibidad ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa karagatan at sa mga korales na malaki ang ambag sa ekonomiya ng bansa. Sa datos ng Philippine Statistics Authority, nasa kabuuang halagang Php 857.74 billion ang kinita ng blue economy ng bansa nitong 2023 o katumbas ng 3.9 percent ng GDP o gross domestic product.
Pagdating naman sa diving tourism, sa 5.45 million na international tourists na nagtungo sa bansa, nasa 1.45 million ang divers na nagpasok ng Php 73 billion na kita.
Ang nakalulungkot, maging ang mga basura na karaniwan ay single-use plastics (SUPs) ay nakararating na sa mga karagatan at sa mga coral reef. Sa isang pag-aaral, napag-alaman na sa 2.7 million tons ng plastic garbage na naiipon ng bansa kada taon, nasa walo (8) hanggang sampu (10) bilyong tonelada ay napupunta sa karagatan.
Sa ulat ng regional office ng DENR sa Luzon, nasa mahigit 4,000 volunteer ang bumuo sa Cordillera Administrative Region, Ilocandia, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon), MIMAROPA at Bicolandia ang contingent mula sa Luzon island.
Nasa mahigit 3,000 naman ang mula sa Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas na sumentro sa Argao, Cebu; Tagbilaran City, Bohol; Borongan, Eastern Samar; San Juan, Southern Leyte; at iba pang mga lugar.
May 4,500 volunteer naman mula sa Zamboanga peninsula, Northern Mindanao, Davao region, SOCCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato City, Sultan Kudarat, Sarangani, at General Santos City), at CARAGA region na bumuo sa Mindanao group.
Hangad ng DENR na palaging kumintal sa kaisipan ng mga mamamayan ang pagiging responsable sa kalikasan at sa kapaligiran lalo pa’t nararamdaman na natin ang tumitinding epekto ng climate change.

Ang Pilipinas ay nahaharap sa Pacific Ocean na siyang pinakamalaking karagatan sa buong mundo sa lawak na 165.2 million square kilometers.