Home OPINION MARAMING MAMAMATAY SA GYERANG DROGA – ECUADOR GOV’T

MARAMING MAMAMATAY SA GYERANG DROGA – ECUADOR GOV’T

MAKARAANG magdeklara si Ecuador President Daniel Noboa ng dalawang buwang state of emergency laban sa mga drug lord at criminal gangs sa kanyang bansa, malagim ang babala rito — marami ang mamamatay.

Ginawa ni Vice Minister Esteban Torres Cobo ang babala sabay-sabing hindi na pupwedeng ipagpaliban pa ang gyera at ito’y dapat magsimula na gaano man kadugo ito.

Ginawa ang state of emergency con gyera sa droga upang masugpo ang mga drug lord at criminal gangs na halos may kontrol na sa buong pamahalaan at nagpapahirap sa buong bansa.

Mula rito, may 8 nang sibilyan at 2 pulis na pinatay ang mga gang at 3 sinunog na bangkay.

Ginawa na ring hostage ng mga durugistang bilanggo ang 125 na prison guard at 14 empleyado sa maraming kulungan sa bansa at bahagi ito nang paghahari ng mga sangkot sa droga sa mga kulungan.

Kakambal nito ang pag-aresto na rin sa 70 katao na sangkot sa panloloob sa Channel TC na isang government television station at pagkidnap sa ilang empleyado rito.

Ipade-deport na rin ng pamahalaang Noboa ang mga nakakulong na Colombian na pawang sangkot sa droga upang mapagaan ang mga siksikan nang kulungan.

Dahil sa pambansang state of emergency na may curfew na rin, wala nang kaibhan ang bansa noong malaganap ang Covid-19 na takot ang mga tao na gumala sa mga kalsada.

Pawang mga sundalo, gamit ang mga tangke sa pagpapatrulya, ang gumagala kahit saan habang online na ang pag-aaral ng mga bata at guwardiyado ang mga palengke.

Nilulusob na rin ang mga lugar na pinaghaharian ng mga drug at criminal gang gaya ng Aguilas, AguilasKiller, AK-47, Caballeros Oscuros, ChoneKiller, Covicheros, Cuartel de las Feas, Cubanos, Fatales, Ganster, Kater Piler, Lagartos, Latin Kings, Lobos, Los p.27, Los Tiburones, Mafia 18, Mafia Trebol, Patrones, R7 at Tiguerones.

Sa Mexico, may patay nang 350,000–400,000 sa mga taong 2006–2021 lamang dahil sa gyera sa droga.

Mag-aala-Mexico kaya ang Ecuador?

 

 

 

Previous articlePOLITICAL DRAMA
Next articleBIGAS SAPAT PERO MAHAL