Home OPINION MASAMA ANG EPEKTO NG ‘COCAINE’

MASAMA ANG EPEKTO NG ‘COCAINE’

158
0

PATULOY na ‘viral’ at ‘hot topic’ pa rin sa lahat ng panig ng mundo ang nangyaring “sigawan” sa pagitan nina United States President Donald Trump, Vice President James David “JD” Vance at Ukraine President Volodymyr Zelensky noong Biyernes, Pebrero 28, sa loob mismo ng tanggapan ni Trump, ang ‘Oval Office.’

Ano man ang “anggulo” ngayon ng mga “padrino” ni Zelensky sa EU/NATO/WEF upang ipagtanggol ang ginawang “pambabastos” ng Presidente ng Ukraine kay Trump, Vance at sa lahat ng Amerikano, naging malinaw sa mundo ang isang bagay: walang katapusang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia ang tunay na ‘agenda’ ng mga totoong nasa likod ng kaguluhan sa Ukraine, ang mga “Globalista,” katulad ng United Kingdom at France. Ayaw nila sa kapayapaan na ipinipilit ni Trump, period!

Ang patunay nito ay “dumiretso” si Zelensky sa London matapos “sipain” ni Trump palabas ng White House at doon ay nakakuha ng suportang militar at pinansiyal sa UK at NATO para sa patuloy na digmaan laban sa Russia—kahit pa nga malinaw sa pagsisimula ng kanilang ‘proxy war’ noong 2022 gamit ang Ukraine na hindi nila tatalunin ang Russia.

Hinala naman ng mga miron, hindi kaya “nasobrahan” na sa “kasisinghot” ng ‘Cocaine’ si Zelensky kaya tinanggihan ang ‘mineral sharing agreement’ na gusto ni Trump? Bistado kasing “adik” si Zelensky, mga kabayan.

Kung susuriin, ang MSA ay “estratehiya” ng Kano upang patuloy na suportahan ang Ukraine laban sa Russia, gets ba ninyo?

Simple nga kasi: Sakaling napirmahan ang MSA at nagsimulang magmina sa Ukraine ang Amerika, hindi naman siguro “sira-ulo” ang Russia para atakihin ang ‘mining sites.’ Malinaw kasi na giyera laban sa Amerika ang kasunod, tama ba, dear readers?

Kaya nga marami ang naghinala: “Bangag” kaya si Zelensky, na dating ‘comedian,’ nang magpunta sa White House, o sadyang “bobo” kaya hindi nakita ang estratehiya ni Trump?

Ang “aral” sa insidente? Tigilan ang paggamit ng iligal na droga!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here