Home OPINION MGA MAY MPOX MAHIHILIG SA SEX

MGA MAY MPOX MAHIHILIG SA SEX

ILAN sa may sakit na mpox na hawak ng Department of Health ang natagpuang mahihilig sa sex.

Hindi nga lang malinaw sa ulat ng DOH kung lalaki sa lalaki ang sex o lalaki sa babae.

Sa Madrid, Spain, 93 porsyento na sex sa lalaki sa lalaki nagkahahawahan sa mpox.

At sa huli, na nagkakahawahan din ang lalaki at babae.

Tingnan natin ang sinasabi ng DOH ukol sa mga biktima.

Isama na natin ang naunang kontrobersyal na biktima ng mpox sa Quezon City.

Lalaki iyon na pumunta sa sauna massage at nakipag-sex doon.

Ngayon naman sa huling ulat ng DOH, nagkaroon ng mahigit sa isang sex partner ang dalawa sa tatlong may mpox.

Ang No. 15 na lalaki na taga-National Capital Region, edad 29, nagkaroon ng mahigit sa isa na partner in sex.

Ang No. 16, lalaki rin, 34 anyos, na taga-NCR  pa rin, nagkaroon din ng nasa tatlong sex partner.

‘Yung No. 17, 29 anyos na taga-Calabarzon, nagka-mpox dahil sa pakikipag-sex sa mayroon nang mpox.

Bukod sa pagkahilig sa sex, kakaiba rin ang sinasabi ng DOH na hindi bumiyahe abroad ang mga biktima.

Nangangahulugan bang may sarili o native na mpox ang Pilipinas?

Maswerte nga lang tayo nang kaunti na hindi mabagsik ang mga mpox na natatagpuan at wala pang namamatay.

Ngunit sa ibang bansa, lalo na sa Africa na pinagmulan ng sakit, aba, libo na ang namamatay, bukod sa mga nabubulag sa pagtama ng mpox sa mata.

Kitang-kita ang mpox kung meron nang parang tigdas na maiitim na may lumalabas na nana sa halos lahat ng parte ng katawan ng tao.

Mag-ingat lahat sa pamamagitan ng palagiang paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa skin to skin contact sa mayroon nito at iba pa.