NAIBABA na ang isang poste ng kable na nakahilig na at delikado sa mga dumaraan at motorista. Noong nakaraang linggo ang nakahilig na poste na nasa bukanang kanang bahagi ng Magabi Bridge kapag galing Brgy. Tambo Munti Kulit kapag papuntang Brgy. Lumampong Balagbag sa Indang, Cavite ay nagawa na.
Ganoon din ay lumawlaw na nga rin ang ang mga kable mula sa posteng ito sa mismong tapat ng Magabi Bridge.
Samantala, nangalampag at nanawagan naman tayo ng pansin sa mga nasa kinauukulan at nasa kapangyarihan upang maitawag ito sa Meralco o sa anomang telecoms ng poste at mga kableng ito.
Kaagad namang tumugon ang aktibong Indang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (Indang MDRRMO) na pinamumunuan nina Mr. Rommel Pinpin at Mr. Orlando Romanes sa patnubay ni Indang Mayor Hon. Perfecto V. Fidel at kanila itong kaagad na itinawag sa telecom na responsable sa posteng ito.
Makalipas ang ilang araw, napag-alaman natin na hindi pala sa electric company ang humilig na poste at lumawlaw na kable kundi sa isang telecom company.
Salamat sa Pamahalaang Bayan ng Indang partikular sa Indang MDRRMO at sa telecom company sa inyong ginawang pag-aksyon sa panawagan. Keep up the good works. Mabuhay kayo.





