Pagwawakas ng giyera ipinanawagan ni Pope Leo
VATICAN - Nanawagan si Pope Leo sa mga world leaders na wakasan ang tinawag niyang "kabaliwan ng digmaan," sa isang masidhing apela habang nagkita ang mga opisyal ng US at Iran sa Pakistan upang talakayin ang pagtatapos ng anim na linggong labanan. Sa isang espesyal na vigil sa panalangin sa St. Peter's Basilica, kinondena ng unang US pope ang paggamit...
PEZA investment approvals bumaba sa Q1 ng 2026
MANILA, Philippines - Bumaba sa unang bahagi ng 2026 ang inaprubahang investment commitments ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA). Sa pahayag nitong Sabado, Abril 11, sinabi ng PEZA na inaprubahan nito ang P45.525 bilyong halaga ng investment pledges sa 78 new at expansion projects mula Enero hanggang Marso, mas mababa sa P58.947 bilyong inaprubahang investments sa kaparehong panahon noong nakaraang...
Presyo ng mga gamot minomonitor ng DOH sa epekto ng tensyon sa Middle East
MANILA, Philippines - Minomonitor ng Department of Health (DOH) ang nasa 10 iba't ibang gamot na posibleng maapektuhan ng tensyon sa Middle East. Nitong Biyernes, Abril 10, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na kabilang sa mga gamot na inilagay sa monitoring ay ang anti-hypertensive medicine, anti-diabetes medicine, anti-cholesterol medicine, at antibiotics, kasama ang iba pa. “Babantayan na namin weekly para...
Mga Pinoy sa Lebanon hinikayat sa repatriation sa mga pag-atake
MANILA, Philippines - Hinimok ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Filipino sa Lebanon na samantalahin ang government repatriation efforts kasabay ng pagtindi ng tensyon sa mga pag-atake ng Israeli forces sa nasabing bansa. Nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa Lebanon dahilan para himukin ng pamahalaan ang voluntary repatriation ng overseas Filipino workers (OFWs) pauwi ng Pilipinas. Sa...
Suspek sa bogus charity scam arestado ng NBI
MANILA, Philippines - Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 32-anyos na suspek na sangkot sa pagtarget ng mga negosyante at opisyal ng pamahalaan sa pamamagitan ng pekeng charity foundation. Sa ulat, kinompronta ng mga ahente ng NBI Special Action Unit ang suspek sa isang buy-bust-style entrapment. Naharang ang suspek matapos maiugnay sa isang grupo na umano'y kumukolekta ng pera...
Pinay hinarang sa NAIA sa illegal surrogacy scheme abroad
MANILA, Philippines — Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 31-anyos na Filipina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos madiskubre ang umano’y illegal surrogacy scheme na kinasasangkutan niya. Ayon sa BI, papasakay sana ang babae sa Philippine Airlines flight patungong Hong Kong noong Marso 30, kung saan sinabi niyang isa siyang returning overseas Filipino worker (OFW) na magtatrabaho...
Expanded WFH flexibility sa RBEs ikinatuwa ng IT-BPM group
MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) ang pag-apruba sa pinalawak na work-from-home (WFH) setup para sa mga registered business enterprises (RBEs). Sa ilalim ng FIRB Resolution 005-2026, pinapayagan ang hanggang 90% WFH arrangement para sa mga empleyado ng RBEs, depende sa ipatutupad ng investment promotion agencies (IPAs). Ayon kay IBPAP president at...
P2.5B iligal na droga nasamsam ng BOC sa unang bahagi ng 2026
MANILA, Philippines - Nakasabat ng mahigit P2.5 bilyong halaga ng iligal na droga ang Bureau of Customs - Enforcement and Security Service (BOC-ESS) sa unang bahagi ng taon. Sa kalatas nitong Sabado, Abril 11, sinabi ng BOC na naitala ang P2.52 bilyon ng dangerous drug seizures mula sa 214 operasyon sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Marso 31 ngayong...
Sunog sa Navotas Landfill, kontrolado na
Idineklara ng Navotas City Disaster Risk Reduction and Management Office (NCDRRMO) na wala nang aktibong apoy sa nasunog na nagsarang Navotas Sanitary Landfill Facility (NSLF), ngunit hindi pa ito maaaring ideklarang “fire out” dahil may posibilidad pa ng combustion sa loob o ilalim ng waste mass. Ayon sa NCDRRMO, alas-12 ng tanghali noong Abril 12, 2026 nang ituring na “controlled”...
P112K shabu, baril nasabat sa operasyon sa Laguna
MANILA, Philippines - Inaresto ng pulisya ang isang tulak ng illegal na droga nitong Biyernes, Abril 10. Kasabay nito ay nakuha naman ang mahigit P112,000 halaga ng shabu at armas sa buy-bust operation sa Siniloan, Laguna. Kinilala ang suspek na si "Rhime", 45-anyos, matapos makapagbenta ng pack ng shabu sa poseur buyer sa Barangay Liyang. Nakuha mula sa suspek ang pitong selyadong...












