Mastermind sa P9.75 milyon ‘paihi’ sa Navotas, tutugisin
MANILA, Philippines - Pinalalalim ng Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon upang matukoy ang umano’y mastermind sa ilegal na bentahan ng diesel na nagkakahalaga ng P9.75 milyon na natuklasan sa isinagawang operasyon sa Navotas Fish Port Complex. Sa inilabas na pahayag nitong Miyerkules, sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na tinutugis na ng mga awtoridad ang tinawag...
‘Bagman’ ni VP Sara, pinayagan ng korteng humarap sa impeachment hearing – Ridon
MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na pinayagan ng Manila Regional Trial Court na dumalo sa impeachment hearing sa Abril 14 si Ramil Madriaga, ang aminadong bagman ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Ridon pinayagan ng korte si Madriaga na dumalo sa pagdinig mula alas 8:00 ng umaga hanggang ala 5:00 ng hapon. “Accused Ramil...
Inflatable pools, harang sa kalsada, bawal, kukumpiskahin ng kapulisan
MANILA, Philippines - Nagsagawa ang Manila Police District (MPD) nitong Miyerkules ng clearing operation laban sa mga harang sa kalsada, kabilang ang inflatable at tarpaulin swimming pools na nakasasagabal sa daan sa Maynila. Batay sa ulat, isinagawa ng Raxabago Police Station ang implementasyon ng ordinansa at clearing operation noong Lunes sa kahabaan ng Capulong Street mula Mel Lopez Boulevard hanggang...
Kamara pinakokomento ng SC sa pagpapahinto ni VP Sara sa impeachment hearings
MANILA, Philippines - Inatasan ng Korte Suprema nitong Miyerkules ang House of Representatives at ang House committee on justice na magsumite ng komento sa mga petisyong naglalayong ipahinto ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Sa pahayag ng SC, sinabi nitong pinagsama-sama nito ang mga petisyong inihain ni Duterte at ng ilang abogado, ngunit nilinaw na hindi ito...
Bayanihan 3 vs oil crisis tinalakay na sa Kamara
MANILA, Philippines -Alinsunod sa direktiba nina House Speaker Faustino Dy at House Majority Leader Sandro Marcos, sinimulan nang talakayin ng Kamara ang pagbalangkas sa Bayanihan 3 Act na siyang tugon sa nararanasang krisis sa langis. Sa kanyang opening statement, sinabi ni Dy na patuloy ang paghahanap ng paraan ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng nararanasang global crisis. Layon ng...
Mga pangunahing business group sa bansa, pinulong ni ES Recto
MANILA, Philippines - SINIGURO ng Malakanyang sa mga negosyante na tinutugunan ng administrasyong Marcos ang kanilang mga concern sa gitna ng kooperasyon ng pamahalaan at ng pribadong sektor upang mapagaan ang epekto ng pabagu-bagong presyo ng langis sa buong mundo. Sa katunayan, humarap sa pulong si Executive Secretary Ralph Recto para siguraduhin sa business groups na tinutugunan ang mga bagay...
Bangkay ng kelot na ginapos, nakaplastik mukha umalingasaw sa Pampanga
PAMPANGA - Natagpuang patay ang isang 31-anyos na lalaki sa bahagi ng dike ng Porac-Gumain River sa Barangay San Jose Gumi, Lubao, Pampanga noong umaga ng Biyernes, Abril 3, ayon sa pulisya. Positibong kinilala ng mga kamag-anak ang biktima. Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas din na umano’y may dati itong record na may kaugnayan sa ilegal na droga. Gayunman, mariing kinondena...
Pagpapalabas ng bagong PH passports, maaantala sa gitna ng MidEast tension
MANILA, Philippines - Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules na posibleng magkaroon ng pagkaantala sa release ng mga bagong Philippine passport dahil sa “logistical and supply chain issues” na dulot ng digmaan sa Middle East. Sa advisory, sinabi ng DFA Office of Consular Affairs na maaaring maapektuhan ng delay ang mga passport application na inihain simula noong...
Kalahati ng mangingisda sa Luzon, tigil-operasyon sa mahal ng langis
MANILA, Philippines - Halos kalahati ng mga marginal na mangingisda sa ilang lalawigan sa Luzon ang tumigil muna sa pangingisda dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) nitong Miyerkules. Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, sinabi ni SINAG Executive Director Jayson Cainglet na nasa 50% ng mga mangingisda sa Cavite,...
Walang OFW deployment ban sa MidEast – DMW
MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Miyerkules ang pahayag na nasa 40,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang stranded sa Pilipinas dahil sa umano’y deployment ban, at iginiit na walang ipinatutupad na ban para sa mga manggagawang patungong Middle East sa kabila ng nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon. Sa social media post ng ahensya, sinabi ng...












