NABUBULOK NA ANI, NABUBULOK NA SISTEMA
BINASA ko nang may pait at galit ang mga ulat kung paano tinatamaan ang mga magsasaka ng krisis na ito — at mabigat iyon dahil ang mga katotohanan ay malinaw at hindi maikakaila.Sa Benguet, ikinuwento sa isang ulat ng Reuters kung paanong ang mga magsasakang tulad ni Romeo ay hinayaan na lamang mabulok ang kanilang mga gulay. Hindi na...
Mga Kanong nasa Pinas, binalaan ng US Embassy sa protesta sa Araw ng Kagitingan
MANILA, Philippines - Nagbabala ang US Embassy sa Pilipinas nitong Miyerkules sa mga American citizen kaugnay ng inaasahang protesta malapit sa embahada sa Huwebes, Abril 9, kasabay ng paggunita sa Araw ng Kagitingan. Sa inilabas na advisory, sinabi ng embahada na magtitipon ang mga demonstrador sa Kalaw Avenue at tutungo sa embahada sa kahabaan ng Roxas Boulevard bandang 9:30 ng...
Provincial Director ng PNP Batangas, sinibak
Calamba City, Laguna — Itinalagang Officer in Charge-Provincial Director ng Batangas Provincial Office si PCol Meliton Abello Salvadora Jr. bilang kapalit ni PCol Marlon Ventura Rupo na pansamantalang inilagay sa Regional Personnel Holding and Accounting Service (RPHAS). Tinanggal bilang Batangas Provincial Director si PCol Marlon V. Rufo sa kanyang puwesto para sa patas na imbestigasyon hinggil umano sa kinakaharap nitong...
‘Fixer’ sa ayuda distribution, tutugisin ng PNP
MANILA, Philippines - Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules ang monitoring laban sa mga fixer na nagsasamantala sa pamamahagi ng government cash assistance sa gitna ng umiiral na hamon sa energy supply. Sa isang pahayag, nagbabala si PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na walang tigil na tutugisin ng pulisya ang mga indibidwal na nagsasamantala sa mga...
Sen. Dela Rosa, Alan Cayetano may pinakamaraming absent sa Senado
MANILA, Philippines - Pinakamaraming absent sa mga sesyon ng Senado sa 20th Congress sina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na may 31 hindi nadaluhang session days, habang pumangalawa si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na may 14, batay sa official attendance records na inilabas nitong Miyerkules. Makikita sa mga rekord na ibinahagi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri...
BI: Walang rekord ng pag-alis sa bansa ni Atong Ang
MANILA, Philippines - Sinabi ng isang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) nitong Miyerkules na walang rekord na nagpapakitang umalis ng bansa ang puganteng negosyanteng si Atong Ang. Sa mensahe sa media, sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval, “We have no record of travel.” Dagdag pa niya, “(We have) centralized database so all records." Nang tanungin kung posibleng nasa ibang bansa...
Kauna-unahan free chemotherapy center sa Laguna, binuksan
MANILA, Philippines - Binuksan ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna nitong Miyerkules ang kauna-unahan nitong chemotherapy center sa Laguna Medical Center sa Santa Cruz, bilang hakbang para mapalawak ang access sa gamutan ng mga pasyenteng may cancer sa lalawigan. Sa isang pahayag, sinabi ni provincial information officer Danilo Lucas na nag-aalok ang pasilidad ng libreng serbisyo para sa mga kwalipikadong pasyente,...
Lumalalang energy crisis, tinutukan ng mga grupo; mas matibay na tugon ng gobyerno, hiniling
MANILA, Philippines - Nanawagan nitong Miyerkules ang multisectoral group sa pambansang pamahalaan na agad magpatupad ng mas matitibay na hakbang upang maprotektahan ang mga consumer ng langis at kuryente habang lalo pang lumalala ang krisis sa enerhiya, limang linggo mula nang sumiklab ang emergency bunsod ng digmaan ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran. Pinangunahan ng Power for People...
Mastermind sa P9.75 milyon ‘paihi’ sa Navotas, tutugisin
MANILA, Philippines - Pinalalalim ng Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon upang matukoy ang umano’y mastermind sa ilegal na bentahan ng diesel na nagkakahalaga ng P9.75 milyon na natuklasan sa isinagawang operasyon sa Navotas Fish Port Complex. Sa inilabas na pahayag nitong Miyerkules, sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na tinutugis na ng mga awtoridad ang tinawag...
‘Bagman’ ni VP Sara, pinayagan ng korteng humarap sa impeachment hearing – Ridon
MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na pinayagan ng Manila Regional Trial Court na dumalo sa impeachment hearing sa Abril 14 si Ramil Madriaga, ang aminadong bagman ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Ridon pinayagan ng korte si Madriaga na dumalo sa pagdinig mula alas 8:00 ng umaga hanggang ala 5:00 ng hapon. “Accused Ramil...












