100% taas-singil sa rehistro ng sasakyan, ‘di totoo – LTO
MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Land Transportation Office (LTO) ang kumakalat na balita na tumaas umano ng 100% ang bayarin sa rehistro ng sasakyan, at tinawag itong maling impormasyon. Sa isang advisory, nilinaw ng ahensya na walang ipinatutupad na ganitong pagtaas at iginiit na pawang fake news lamang ang kumakalat online. "ABISO SA PUBLIKO! WALANG KATOTOHANAN ANG KUMAKALAT NA MALING IMPORMASYON...
Philippine deer, muling namataan sa Marinduque natapos ma-extinct sa loob ng ilang dekada
Muling namataan ang Philippine deer (Rusa marianna) sa Marinduque matapos itong ituring na lokal nang extinct sa loob ng ilang dekada, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Matagal nang hindi nakikita ang nasabing species sa isla hanggang sa muling maitala ang presensya nito, kung saan kinumpirma ng Marinduque Wildlife Sanctuary Protected Area Management Office ang hindi bababa...
25 Pinoy na hagip ng MidEast tension, nakauwi na ng Pinas
MANILA, Philippines - Dumating sa bansa ang panibagong grupo ng mga Pilipino mula Israel sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East, ayon sa pamahalaan. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), 25 repatriates ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 bandang alas-9 ng gabi noong Sabado. Kabilang sa grupo ang 24 overseas Filipino workers (OFWs) at isang...
Japan vessels, papayagan ng Iran na makadaan sa Strait of Hormuz
Ipinahiwatig ng Iran na handa nitong payagan ang mga sasakyang-dagat na may kaugnayan sa Japan na makadaan sa Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta ng pandaigdigang suplay ng langis, sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East. Batay sa pahayag ni Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi, nagsimula na ang Tehran ng pakikipag-usap sa Tokyo upang posibleng muling buksan ang...
Trike drivers na ‘di nakakuha ng P5K fuel subsidy, ‘di uuwing luhaan – DSWD
MANILA, Philippines - Magsasagawa ng special payout sa susunod na linggo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga tricycle driver sa National Capital Region na hindi nakatanggap ng kanilang cash assistance sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis. Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, layunin ng hakbang na maabot ang mga driver na...
Toll discounts, pinalawak pa
MANILA, Philippines - Magpapatupad ng diskwento sa toll ang mas maraming expressway para sa mga public utility vehicle (PUVs) simula Marso 23, bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East. Ayon sa mga awtoridad, ipatutupad ang mas mababang toll rates sa ilang pangunahing expressway. Sa Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX), magiging P39 para sa...
Krisis sa MidEast ‘di kasalanan ni PBBM; pagkakaisa, kailangan
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Malacañang ng pagkakaisa at kooperasyon mula sa publiko sa gitna ng epekto ng krisis sa Middle East sa ekonomiya ng bansa, at iginiit na hindi kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, batid ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hinaing ng publiko, lalo na ang pagtaas ng presyo ng...
Mega oil price hike na naman: ‘Gang P17 sa diesel, P8 sa langis
MANILA, Philippines - Nakatakdang muling tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East na nakaaapekto sa pandaigdigang suplay ng langis. Batay sa pagtataya ng industriya, posibleng tumaas ang presyo ng diesel ng P16.50 hanggang P17.50 kada litro, habang ang gasolina naman ay maaaring umakyat ng P7.50 hanggang P8.50 kada litro. Dagdag...
P10M lotto jackpot, nasolo!
MANILA, Philippines - Isang mananaya ang nagwagi ng P10 milyong jackpot sa Lotto 6/42 draw noong Sabado, Marso 21, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Nakuha ng nag-iisang nanalo ang kombinasyong 18-12-37-02-30-24. Samantala, walang nakakuha ng P45 milyong jackpot sa Grand Lotto 6/55 kung saan ang lumabas na numero ay 02-18-47-12-32-11. Sa iba pang laro ng PCSO, lumabas ang kombinasyong 3-8-0-0-4-6...
Easterlies magpapaulan sa Pinas
MANILA, Philippines - Magpapatuloy ang maulap at maulang panahon sa buong bansa dulot ng umiiral na easterlies, ayon sa state weather bureau. Magdudulot ito ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Caraga, Northern Mindanao, at Davao Region. Sa nalalabing bahagi ng bansa, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na panahon na may panaka-nakang pag-ulan o...












