2 kahilingan ng US na lumipad sa Switzerland, tinanggihan dahil sa neutralidad

0

BERN, Switzerland - Ayon sa Switzerland, dalawang kahilingan ng US na lumipad sa kanilang teritoryo kaugnay ng digmaan sa Gitnang Silangan ang tinanggihan nito, dahil sa neutralidad ng bansa sa ilalim ng international law. “In total, two requests linked to the war in Iran were refused, while a maintenance flight and two requests for transport aircraft were approved,” ani ng...

Mga nagsisimula ng digmaan, dapat mangumpisal – Pope Leo

0

VATICAN - Iminungkahi ni Pope Leo na ang mga Kristiyanong lider na nagsisimula ng digmaan ay dapat mangumpisal at suriin kung sinusunod nila ang mga aral ni Hesus, nang hindi binabanggit ang anumang tiyak na lider o digmaan. Bagamat hindi nagbanggit si Leo ng pangalan, nitong mga nakaraang araw ay pinalalakas niya ang panawagan para tapusin ang patuloy na digmaan...

Croatian nat’l timbog sa higit P28M tobats sa NAIA

0

MANILA, Philippines - Sa ikinasang interdiction operation ng mga miyembro ng Inter Agency Drugs Interdiction Task Group (IADITG) ay nadakip ang isang babaeng pasaherong Croatian national na nakumpiskahan ng 4,156 gramo ng hinihinalang shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago mananghali ng Sabado, Marso 14. Kinilala ng IADITG ang inarestong babaeng suspek na si Neri, 48, travel agency manager,...

Security escort ni Yorme Isko utas sa pamamaril sa Tondo

0

MANILA, Philippines - Binawian ng buhay ang isang security escort ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos barilin ng mga gunmen sakay ng motorsiklo sa Tondo, Maynila, madaling araw ng Linggo. Kinilala ang biktima na si George Capistrano, 56, isang retiradong pulis at residente ng Barangay 134 sa Balut. Si Capistrano ay bahagi ng security detail ng alkalde. Ayon sa paunang...

Mayon patuloy na naliligalig

0

ALBAY, Philippines - Umabot sa 279 volcanic earthquakes ang naitala sa loob ng 24 oras sa Mayon Volcano, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo ng umaga. Kasabay ng mga lindol, naitala rin ang 324 rockfalls at tatlong pyroclastic density current signals. Nananatiling Alert Level 3 ang aktibidad ng bulkan. May lava effusion na bumabagtas sa tatlong...

Guro, tricycle driver utas sa magkasunod na pamamaril sa Pangasinan, Isabela

0

PANGASINAN, Philippines - Patay ang 53-anyos na guro na si Jun matapos pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo sa Barangay Carmay East, Rosales, Pangasinan noong Miyerkules, Marso 11. Ayon kay Police Capt. Eugene Romma C. Navalta, pauwi ang guro mula Santa Maria nang pagbabarilin siya. Natagpuan sa crime scene ang mga empty .45 caliber shells at slugs. Dinala siya...

Presyo ng produktong petrolyo, maaari pang tumaas sa susunod na linggo

0

MANILA, Philippines - Inaasahang tataas ang presyo ng diesel ng ₱20 hanggang ₱22 kada litro simula sa susunod na linggo, habang gasolina at kerosene ay tataas din ng ₱14–₱16 at ₱7–₱9 kada litro, ayon sa fuel industry projections. Maaaring umabot ang diesel sa ₱100 kada litro at gasolina sa higit ₱90. Magkakaloob ang gobyerno ng fuel assistance simula Martes sa...

Lifeguard sa Boracay utas sa paglitas sa Russian nat’l

0

AKLAN, Philippines - Patay ang isang lifeguard sa Boracay Island habang inililigtas ang isang Russian national na nadala sa malalim na bahagi ng dagat. Namatay rin ang Russian national. Ayon kay Yapak Barangay Captain Hector Casidsid, nangyari ang insidente bandang alas-11 ng umaga nang humingi ng tulong ang banyaga. Agad lumusong sa tubig ang lifeguard na kinilalang si Rex Pablo Aguirre...

Mga armas ng NPA nasamsam sa Surigao del Sur

0

SURIGAO DEL SUR, Philippines - Narekober ng 30th Infantry Battalion sa utos ng 401st Infantry Brigade ang apat na high-powered firearms, bala, at iba pang gamit na itinago ng komunista New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon noong Biyernes sa San Miguel, Surigao del Sur. Ayon kay Col. Glenn Joy Aynera, acting commander ng 401Bde, natagpuan ang mga armas sa...

2 volcanic eathquakes naitala sa bulkang Taal

0

BATANGAS, Philippines - Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology na nagkaroon ng dalawang volcanic earthquakes at isang volcanic tremor sa loob ng 24 oras sa Taal Volcano. Noong Biyernes, Marso 13, naitala rin ang 2,039 toneladang sulfur dioxide na inilabas ng bulkan. Nasa Alert Level 1 ang Taal, ibig sabihin ay may low-level unrest o mababang antas ng pag-aalboroto. Ipinagbabawal...