DOH nagbabala sa banta ng rabies

0

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Department of Health (DOH) nitong Sabado, Marso 7 laban sa rabies sa kabila ng pagbaba ng 65% sa mga kaso sa unang dalawang buwan ng 2026 kumpara sa kaparehong panahon noong 2025. Iniulat ng ahensya ang kabuuang 17 kaso ng rabies mula Enero 4 hanggang Pebrero 21, o pagbaba ng 49 kaso sa kaparehong monitoring...

Grupo ng mga magsasaka ng tubo, nanawagan ng aksyon vs oil price hike

0

MANILA, Philippines - Umapela ang Confederation of Sugar Producers Association Inc. (CONFED) sa Department of Agriculture (DA) ng agarang government intervention para protektahan ang local sugar industry sa matinding epekto ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East. Sa liham na may petsang Marso 5 para kay Agriculture Secretary at Sugar Board Chair Francisco P. Tiu Laurel Jr., sinabi ni CONFED...

P718M ng illegal na droga naharang sa magkahiwalay na operasyon sa Manila, Cavite

0

MANILA, Philippines — Umabot sa P718 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila at Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek. Sa operasyon sa Manila International Container Port sa Tondo, nasabat ng PDEA, katuwang ang Bureau of Customs at Philippine Coast Guard, ang tinatayang 800 kilo...

P119M shabu mula Las Vegas, nasabat sa Clark

0

MANILA, Philippines - Nasabat ng mga awtoridad ng Bureau of Customs-Port of CLark ang kargamento na naglalaman ng 17,500 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P119 milyon. Ayon sa kalatas nitong Sabado, Marso 7, ang kargamento ay mula sa Las Vegas, Nevada, at patungong Makati City. Naharang ito batay sa derogatory information na ibinigay ng Philippine Drug Enforcement Agency. Sa pagdating...

Conspiracy claims ni VP Sara sa impeachment proceedings, ‘gasgas na script’ – Makabayan bloc

0

MANILA, Philippines - Hinimok ng Makabayan bloc si Vice President Sara Duterte na harapin ang pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay sa maling paggamit ng confidential funds. Kasabay nito ay tinawag din na gasgas na script ng Makabayan bloc ang pagsasabi ni Duterte na ito ay uri ng political weapon at conspiracy laban sa kanya. "These are rehashed lines—'gasgas na...

Sapat na suplay ng langis siniguro ng DOE: ‘Wag mag-panic

0

MANILA, Philippines - Hinimok ng Department of Energy (DOE) ang publiko na manatiling kalmado kasabay ng pagsisiguro na sapat ang suplay ng langis sa kabila ng tinatayang malakihang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo dahil sa tensyon sa Middle East. Sa Facebook post nitong Sabado, Marso 7, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na hindi pa dapat magbabago ang presyo...

MMDA magpapatupad ng 4-day workweek, energy conservation measures

0

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng four-day workweek at iba pang energy conservation measures. Ito ay kasunod ng anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pansamantalang ipatutupad ang four-day workweek sa mga opisina sa ilalim ng executive department kasunod ng tensyon sa Middle East. Ayon sa MMDA Memorandum Circular No. 05, series of 2026,...

Suspek sa pamamaril sa Paranaque nairita sa ingay ng mga biktima

0

MANILA, Philippines - Matagal nang naiirita sa ingay ng ilan sa mga biktima ang gunman na sangkot sa pamamaril sa isang basketball court sa Marcelo Green, Parañaque City. Nitong Biyernes ng gabi, Marso 6 ay naaresto ang suspek sa isang condominium unit sa Barangay Moonwalk sa pamamagitan ng hot pursuit operation na isinagawa ng National Capital Region Police Office. Ayon sa...

Kabastusan ni Topacio kakastiguhin ng Makabayan bloc solons

0

MANILA, Philippines - Nanawagan ang mga mambabatas ng Makabayan bloc nitong Sabado, Pebrero 7 ng imbestigasyon sa hindi magandang pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio. Kasabay nito ay hinimok din nila ang istasyon ng radyo kung saan may programa si Topacio, na maging maingat sa nilalaman ng programa at mga salita laban sa mga kababaihan. Kinondena nina Gabriela Rep. Sarah Elago, ACT...

Dagupan, Catarman tinusta ng mapanganib na lebel ng heat index

0

MANILA, Philippines - Nakapagtala ng mapanganib na lebel ng heat index ang dalawang lugar sa Pilipinas nitong Sabado, Marso 7. Ayon sa PAGASA, ang Dagupan City, Pangasinan at Catarman, Northern Samar ay nakapagtala ng heat index na 43°C at 42°C. Klasipikado ang 42 degrees Celsius hanggang 51 degrees Celsius na heat index sa danger category, habang ang mga lugar na may...