41K botante nagparehistro sa BSKE, Bangsamoro elections
MANILA, Philippines — Mahigit 41,000 botante na ang nakapagparehistro para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at sa kauna-unahang Bangsamoro parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ayon sa Commission on Elections. Batay sa datos hanggang Marso 3, umabot sa 41,477 ang mga bagong rehistradong botante, kabilang ang 20,551 babae at 20,926 lalaki. Pinakamataas ang bilang ng...
Angel, active na sa socmed, to-the-rescue kay Joaquin!
Manila, Philippines — Aktibo nang muli si Angel Locsin sa social media, lalo na sa X (dating Twitter). Salamat ito sa kanyang stepson na si Joaquin Arce, anak ng mister niyang si Neil. Ito’y matapos ang nilahukan ni Joaquin na Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0 kung saan nagtapos ito bilang third placer. Nakakuha si Joaquin ng 16.94% na total combined votes,...
Gee, tuluyan nang hiniwalayan si Archie, inilaglag ang dahilan!
Manila, Philippines — Tuluyan nang napuno si Gee Canlas sa asawang si Archie Alemania. Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Gee na hiniwalayan niya si Archie makaraan ang walong taong pagsasama. Ani Gee, ang ikinaso ni Rita Daniela na acts of lasciviousness laban kay Archie ay isa sa mga dahilan. Kumbaga, nagpatung-patong na raw ang mga bagay...
Carlene, stranded sa Dubai!
Dubai, UAE — Stranded ngayon ang ex-beauty queen-actress na si Carlene Aguilar sa Dubai, UAE. Ang dating partner ni Dennis Trillo ay naroon na bago pa man sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Israel, United States, at Iran. Work-related ang pakay ng pagpunta roon ni Carlene, na nasa real estate business. Nakatakda sana niyang dalhin ang kanyang team para sa dalawang linggong...
Beirut binomba ng Israel sa ika-7 araw ng MidEast war
BEIRUT — Pumasok na sa ikapitong araw ang digmaan sa Middle East nitong Biyernes matapos bombahin ng Israel ang southern suburbs ng Beirut at ipahayag ang “next phase” ng kanilang military campaign. Naglabas muna ng evacuation warning ang Israeli military para sa mga residente ng lugar bago ang pag-atake at hinimok silang lumikas agad. Dahil dito, nagkaroon ng panic at...
Pope Leo ipinalangin ang pagtuldok sa mga digmaan sa gitna ng US-Iran tension
VATICAN - Nananalangin si Pope Leo sa Diyos na tulungan ang mga lider ng mundo na talikuran ang digmaan bilang paraan ng paglutas ng mga sigalot. Ginawa ng Papa ang panawagan at panalanging ito sa isang video na inilabas noong Huwebes kasabay ng ika-anim na araw ng pambobomba ng U.S.-Israel laban sa Iran. Kada buwan ay naglalabas ng video message si...
Kahit may perjury case, testimonya ni Madriaga didinggin ng impeachment panel
MANILA, Philippines - Hindi maaapektuhan ang pagtestigo ni Ramil Madriaga sa impeachment proceeding laban kay Vice President Sara kahit may kinahaharap itong perjury case. Ito ang pahayag ni House Committee on Justice Chairperson Gerville Luistro kasabay ng paglilinaw na ang kinahaharap na kaso sa korte ni Madriaga ay hiwalay sa impeachment. “Ibang forum ‘yon, where the case of perjury was filed...
PPA naghahanda na sa peak season, mga pantalan ininspeksyon
MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pag-iinspeksyon sa mga pantalan sa bansa bilang bahagi ng paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya sa peak season. Partikular na ininspeksyon ang Port of Lucena at Port of Balanacan ni PPA General Manager Jay Santiago kasama sina Assistant General Manager for Operations Atty....
Puganteng Koreano, timbog sa Batangas
MANILA, Philippines - NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit ang isang South Korean national na wanted sa kasong fraud matapos ang isinagawang operasyon sa Laurel, Batangas. Kinilala ang naarestong dayuhan na si Kim Yong Cheol, 62, na nahuli noong Marso 4 sa kahabaan ng Tagaytay–Nasugbu Highway sa Barangay Niyugan matapos isilbi ng mga awtoridad...
Tsina itinangging may espiyang Pinoy
MANILA, Philippines — Itinanggi ng Embassy of China in the Philippines ang mga alegasyon na may kinalaman ang Beijing sa umano’y espionage activities sa Pilipinas na kinasasangkutan ng ilang Pilipino. Sa isang pahayag, sinabi ni Ji Lingpeng na sinusunod ng China ang prinsipyo ng hindi pakikialam sa panloob na usapin ng ibang bansa. “We firmly oppose and strongly deplore irresponsible remarks...












