AFP, naka-red alert para sa 40th anniv ng EDSA
MANILA, Philippines - INILAGAY ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang unit nito sa ilalim ng red alert status bilang paghahanda sa mga public assembly para sa ika- 40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25. Sinabi ni AFP spokesperson Colonel Francel Margaret Padilla na ang red alert ay isang standard readiness measure upang matiyak na ang...
Target na 1.4M bagong botante sa 2026 BSKE nalampasan na ng Comelec
MANILA, Philippines - Nalampasan na ng Commission on Elections (Comlec) ang target nitong 1.4 milyong bagong botante para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE). Sa datos ng komisyon, mahigit sa dalawang milyong Filipino o kabuuang 2,382,364 indibidwal na ang nakapagrehistro para makaboto. Ang Region IV-A o CALABARZON ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng registrants na may 424,454. Sinundan ito...
Crypt ni Cardinal Sin sa Manila Cathedral, bubuksan sa publiko
MANILA, Philippines - Bubuksan ng Manila Cathedral sa publiko ang crypt kung saan nakahimlay si dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa February 25, 2026 bilang bahagi ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Layon nito na bigyang pagkakataon ang mga nais magbigay-pugay sa kardinal na kinikilalang isa sa mga pangunahing personalidad sa mapayapang pag-aaklas noong 1986. "On...
Poll reset ng BARMM, inaasahan ni Zubiri na magiging constitutional
MANILA, Philippines - Umaasa si Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri na maidedeklarang constitutional ang posisyon ng Senado na ipagpaliban first regular elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Sa pahayag, sinabi ni Zubiri na umaasa ang Senado na titindig sa matibay na legal ground at hindi maibabasura ng Korte Supreme ang poll reset ng BARMM bilang...
Chinese na nagpanggap na Pinoy, timbog sa BI
MANILA, Philippines - Arestado ang isang Chinese national matapos magpanggap na Pilipino at gumamit ng mga iligal na nakuhang dokumento ng gobyerno, ayon sa Bureau of Immigration (BI). Kinilala ng BI ang suspek na si Zhi Ling Guan, 47, na gumagamit din ng mga alyas na Shi Nengyuan at “Mike Sy.” Nadakip ito ng mga operatiba ng BI Intelligence matapos ang...
Binondominium 2, pinasimulan ni Isko; ika-6 na pabahay sa Manilenyo
MANILA, Philippines - PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso PORMAL ang groundbreaking ng Binondominium 2 sa San Nicolas, Maynila — ang ika-anim na vertical housing project ng lungsod sa ilalim ng kanyang administrasyon. Nabatid na itatayo ang gusali sa 405-square-meter na lote na may kabuuang floor area na 6,277.5 square meters. Maglalaman ito ng 98 residential units na tig-40...
Sen. Camille Villar, prayoridad ang kabataan sa Villar Cup 2025 Season 4
Pinangunahan ni Senator Camille Villar ang Closing Ceremony ng taunang Villar Cup 2025 – Season 4 sa Villar Coliseum sa Talon Dos, Las Piñas, kung saan binigyang-diin niya ang kanyang adbokasiya para sa grassroots sports development para sa mga kabataan. Prayoridad ni Villar ang programa kung saan naniniwala siyang mahalagang plataporma sa paghubog ng kabataan, pagpapaigting ng disiplina...
Marcoleta kinastigo ni Lacson sa pekeng akusasyon sa blue ribbon: ’Walang basehan’
MANILA, Philippines - Matinding kinastigo ni Senate President Pro Tempore Panfilo "Ping" M. Lacson kamakailan ang lahat ng pekeng premise na binanggit ni Sen. Rodante Marcoleta hinggil sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa flood control scandal, kabilang ang banta nitong ethics complaint laban sa kanya. Ayon kay Lacson, walang basehan ang panawagan ni Marcoleta na imbitahan si dating Undersecretary...
‘Three-term school year’ proposal ng DepEd, ginisa sa Kamara
MANILA, Philippines — Inulan ng tanong at puna sa Kamara ang panukala ng Department of Education (DepEd) na palitan ang kasalukuyang four-quarter academic calendar ng isang “three-term school year.” Sa pagdinig ng House Committee on Basic Education and Culture, iginiit ni DepEd Undersecretary Carmela Oracion na nasa consultation stage pa lamang ang panukala at hindi pa pinal para ipatupad sa...
4 dayuhan arestado ng BI sa telecom fraud, scam
MANILA, Philippines - DINAKIP ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na dayuhan matapos umanong masangkot sa telecom fraud, online gaming scam at iba pang iligal na aktibidad sa isinagawang operasyon sa Angeles, Pampanga. Ayon sa BI, isinagawa ang operasyon noong Pebrero 18 sa isang residential area sa Barangay Pampang, kasunod ng direktiba ni Ferdinand R. Marcos...












