Bong Revilla, naghain ng petisyon para makapagpiyansa sa flood control case

0

MANILA, Philippines — Naghain ng petition for bail si dating Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. kaugnay ng kanyang malversation case na may kinalaman sa umano’y P92.8-milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan. Kinumpirma ang paghahain ng petisyon ni Sandiganbayan 3rd Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma, ayon sa ulat ng GMA Integrated News. Nauna nang tumanggi si Revilla na...

Malakanyang: Taas-pasahe sa bus, prayoridad ng LTFRB

0

MANILA, Philippines — Prayoridad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtalakay sa fare hike para sa mga bus sa gitna ng mga petisyon ng transport groups, ayon sa Malacañang ngayong Biyernes. Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na patuloy ang mga pagdinig upang matukoy kung aaprubahan ang mga petisyon sa dagdag-pamasahe. Ayon sa kanya, itinuturing...

DILG: May protektor sa likod ng malawakang yosi smuggling sa Pinas

0

MANILA, Philippines — Naniniwala si Interior Secretary Jonvic Remulla na may mga taong nasa “mataas na puwesto” na nagbibigay ng proteksyon sa mga sangkot sa smuggling ng sigarilyo sa bansa. Ginawa ni Remulla ang pahayag sa isang press briefing matapos ang pagsalakay ng Bureau of Customs at iba pang awtoridad sa isang ilegal na cigarette manufacturing warehouse sa Tanza, Cavite. Tinatayang...

PBBM-Leni meeting matagal nang nakaplantsa bago pa anunsyo ni VP Sara na tumakbo sa 2028

0

MANILA, Philippines — Sinabi ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ngayong Biyernes na ang nakatakdang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating bise presidente at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo ay naayos na bago pa inanunsyo ni Vice President Sara Duterte ang kanyang planong tumakbo bilang pangulo sa 2028. Ayon kay Pangilinan, ang pagbisita ni Marcos sa Naga...

Malversation complaint vs Bong Revilla, dedesisyunan na ng DOJ

0

MANILA, Philippines — Isinumite na para sa resolusyon ang malversation complaint laban kay dating Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. at iba pang respondent, ayon sa Department of Justice (DOJ) ngayong Biyernes. Sinabi ni DOJ spokesperson Polo Martinez na ang kaso na may kaugnayan sa SYMS Construction Trading ay isinumite para sa resolusyon noong Enero 12. “Submitted for resolution po ay...

‘Di pagdalo ni Digong sa confirmation hearing, pinayagan ng ICC

0

MANILA, Philippines — Pinayagan ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na huwag dumalo sa kanyang confirmation of charges hearing kaugnay ng kanyang war on drugs. "The Chamber hereby grants the request; decides that the hearing on the confirmation of charges will be held in the absence of Mr. Duterte," ayon sa ICC Pre-Trial Chamber...

P1.9M marijuana winasak sa Ilocos Sur

0

ILOCOS SUR - Nagkakahalaga ng P1,960,000 ang fully grown marijuana plants na pinagbubunot at sinunog ng mga awtoridad mula sa tatlong taniman ng marijuana na nadiskubre nila sa bayan ng Sugpon ng lalawigang ito kahapon. Nagsasagawa ng marijuana eradication operation ang mga pinagsanib ng grupo ng 2nd ISPMFC, PDEA RO1 ISPO, PDEA RO1 INPO, ISPDEU, 1st ISPMFC, PIDMU (KIMAT), Sugpon...

#WalangPasok | Ilang iskul nagsuspinde ng klase sa Peb. 25

0

MANILA, Philippines — Nag-anunsyo ang ilang unibersidad at kolehiyo ng suspensyon ng klase sa Pebrero 25, 2026 bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Idineklara ang Pebrero 25 bilang special working day, na ginugunita ang 1986 uprising na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at nagluklok kay Corazon Aquino, biyuda ni pinaslang na senador Benigno "Ninoy"...

Mga dokumento ukol sa aliens, UFO, ilalabas ni Trump!

0

WASHINGTON — Inihayag ni Pangulong Donald Trump noong Huwebes na uutusan niya ang mga ahensiya ng pamahalaan na simulan ang paglalabas ng mga government files na may kaugnayan sa aliens at unidentified flying objects (UFOs), dahil sa aniya’y matinding interes ng publiko. Sa isang social media post, sinabi ni Trump na aatasan niya si Pentagon chief Pete Hegseth at iba...

Trillion Peso March sa Peb. 25, pinayagan na ng QC govt

0

QUEZON CITY — Pinayagan ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang mga organizer ng "Trillion Peso March" na gamitin ang buong isang kilometrong kahabaan ng White Plains Avenue sa Pebrero 25 bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Ayon kay Elmo San Diego, hepe ng Quezon City Department of Public Order and Safety, iba ang magiging setup...