Ama ng estudyanteng nahulog sa LRT, ‘di magsasampa na kaso sa driver
MANILA, Philippines - Hindi na magsasampa ng reklamo ang ama ng estudyanteng nahulog malapit sa isang LRT-1 station sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City laban sa driver na umano’y nakasagasa sa biktima matapos ang insidente. Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), pinalaya ang driver nitong Huwebes ng hapon, Pebrero 12, matapos magsumite ang ama ng notarized letter na...
Voters registration para sa 2026 BSKE, BPE umabot na sa 4,000
MANILA, Philippines - Mahigit 4,000 botante na ang nagparehistro para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) at sa kauna-unahang Bangsamoro parliamentary elections (BPE), ayon sa Commission on Elections (Comelec). Ayon sa Comelec, umabot sa 4,305 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro hanggang Pebrero 11, na binubuo ng 2,133 kababaihan at 2,172 kalalakihan. Nanguna ang Maguindanao del Norte na may...
Taas-singil sa kuryente, nakaumang ngayong Pebrero 2026
MANILA, Philippines - Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagtaas ng transmission charges na makikita sa mga bayarin sa kuryente ngayong Pebrero 2026. Ayon sa advisory ng NGCP, tumaas ng 13.55 porsiyento ang kabuuang average transmission rate sa P1.5279 kada kilowatt-hour (kWh), mula sa P1.3455 per kWh noong nakaraang billing period. Ipinaliwanag ng NGCP na ang pagtaas...
1 sa 4 Pinoy, nakaranas ng panloloko sa pag-ibig – sarbey
MANILA, Philippines - Nasa isa sa bawat apat na nasa tamang edad na Pilipino ang nakaranas na ng anumang uri ng pagtataksil o cheating sa isang relasyon, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas nitong Huwebes. Batay sa survey, 27 porsiyento ng mga respondent ang nagsabing sila ay nakaranas o nakasaksi ng infidelity, habang 72 porsiyento ang...
Driver na nabagsakan ng estudyanteng nahulog sa LRT, nakalaya na
MANILA, Philippines - Pinalaya na mula sa kustodiya ng pulisya ang driver na nabagsakan ng estudyanteng nahulog mula sa LRT-1 Fernando Poe Jr. Station, ayon sa Quezon City Police District (QCPD) nitong Huwebes. Naganap ang insidente noong Miyerkules ng umaga nang mahulog ang 23-anyos na estudyante mula sa plataporma ng LRT-1 Fernando Poe Jr. Station at tumama sa sasakyang bumibiyahe...
Lotto bettors bokya sa P57-M jackpots
MANILA, Philippines - Walang nanalo sa jackpot prize ng mga major lotto draw nitong Huwebes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon sa ahensya, walang tumama sa winning combination na 40-23-20-28-36-07 para sa Lotto 6/42 na may jackpot prize na P10,000,000.00. Nanatili ring walang nananalo sa P47,053,715.16 jackpot ng Superlotto 6/49 matapos walang makakuha ng tamang kombinasyon na...
Sirit-presyo sa langis, nakaumang!
MANILA, Philippines - Inaasahang tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Biyernes. Batay sa apat na araw na Mean of Platts Singapore (MOPS) trading, tinatayang tataas ng humigit-kumulang P0.95 kada litro ang gasolina, P0.10 ang diesel, at P0.25 ang kerosene. Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau (OIMB) assistant director Rodela Romero,...
Bulkang Kanlaon muling nagligalig, nagbuga ng abo
MANILA, Philippines - Naitala ang pagbuga ng abo sa bunganga ng Kanlaon Volcano nitong madaling-araw ng Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang ash emission bandang 12:50 a.m. at tumagal ng 17 minuto, at “generated plumes that rose to 300 meters above the crater before drifting southwest as recorded by the thermal...
Amihan, shear line, at easterlies sanib-puwersang magpapaulan sa Luzon
MANILA, Philippines - Magdadala ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at iba pang lugar sa bansa ang Northeast Monsoon o amihan, shear line, at easterlies ngayong Biyernes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Ayon sa PAGASA, maaapektuhan ng shear line ang silangang bahagi ng Southern Luzon, habang ang amihan naman...
People Power 40: ‘Awit at Aksyon Kontra Korapsyon’ palalakasin laban kontra katiwalian
MANILA, Philippines - Kasama ang hangarin na muling buhayin ang diwa ng walang dugong rebolusyon at mapayapang People Power at palakasin ang kasalukuyang laban kontra korapsyon, bitbit na ngayon ng People Power 40 Kick-Off Concert na gagawin sa Feb. 21 sa Quezon Memorial Circle ang temang “Awit at Aksyon Kontra Korapsyon.” Ayon sa Mayors for Good Governance (M4GG) at Kaya...












