PNP todo-handa na sa Peb. 25 Trillion Peso March

0

MANILA, Philippines - Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na naghahanda na ito ng seguridad para sa anti-corruption protest na Trillion Peso March na gaganapin sa Pebrero 25. Ayon kay PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na mangasiwa sa deployment at mobilisasyon ng mga pulis at kagamitan. “We are now reviewing and updating...

3 abogado ng drug war victims, pinadidiskuwalipika ni Digong sa ICC

0

MANILA, Philippines - HINILING ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I na utusan ang ICC Registry na bawiin o ipawalang-saysay ang pagkakatalaga ng tatlong common legal representatives para sa mga biktima ng giyera kontra ilegal na droga sa ilalim ng kanyang administrasyon. Sa 11-pahinang dokumento na may petsang Pebrero 11, hiniling ni Nicholas...

26 pang pasahero sa Basilan tragedy, pinaghahanap pa rin

0

MANILA, Philippines - Hindi nagawang pasukin ng technical divers ng Philippine Coast Guard (PCG) ang first deck port side casing ng MV Trisha Kerstin 3 sa nagpapatuloy na paghahanap sa 26 pang nawawalang pasahero dahil sa malalakas na alon sa ilalim ng tubig. Ayon sa PCG, isinaalang-alang ang kaligtasan ng mga diver kaya lumipat sila sa paghahanap sa secondary target. Hinanap...

Comelec gun ban, pinaiiral na sa special election ng 2nd District sa Antipolo City

0

MANILA, Philippines - Sa ikalawang araw ng campaign period para sa special election, mas pinaigting ang police checkpoint sa Antipolo 2nd District dahil sa isasagawang halalan. Ayon kay Comelec Director Atty. Arnulfo Pioguinto, layunin ng gun ban na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong panahon ng halalan sa darating na Marso 14, 2026. Personal na tumungo si Rizal Provincial Director...

Papal Nuncio sa mga magsing-irog: Valentine’s Day sa simbahan ipagdiwang 

0

MANILA, Philippines - Isang opisyal ng Vatican sa Pilipinas ang humikayat sa mga magkasintahan na ipagdiwang ang Valentine’s Day sa pamamagitan ng pagdalo sa Misa. Hinimok ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mga kabataan, lalo na ang mga magkasintahan, na gugulin ang Pebrero 14 sa simbahan. Ayon sa opisyal ng Vatican, tulad ng tradisyon ng maraming Pilipino...

Halos 1K aktibo, retiradong kawani ng BFP, kakasuhan sa anomalya sa ahensya – SILG

0

MANILA, Philippines - Aabot sa halos 1,000 aktibo at retiradong kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang haharap sa kasong kriminal dahil sa umano’y mga anomalya sa ahensya, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla. Sa isang press briefing nitong Huwebes, sinabi ni Remulla na magsasampa sila ng kaso laban kay BFP chief Jesus Fernandez, sa kanyang mga deputy, at...

Content creator tigok sa pagkain ng ‘devil crab’

0

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang content creator matapos kumain ng nakalalasong “devil crab” sa Barangay Luzviminda, Puerto Princesa City. Kinilala ang biktima na si Emma Amit, na umano’y nakakuha kasama ang kanyang pamilya ng mga alimango sa Sitio Tacduan noong Pebrero 4, nang hindi alam na may lason ang naturang uri. Nakapag-vlog pa umano siya ng kanilang pagluluto. Ayon kay Punong...

SILG Remulla at Chinese envoy nagharap

0

MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nakipagpulong siya sa Chinese Ambassador na si Jing Quan, at sinabing nakatuon ang kanilang pag-uusap sa pagpapababa ng tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China. Sa isang press briefing nitong Huwebes, nilinaw ni Remulla na hindi kasama sa talakayan ang usaping teritoryo. Sa halip, tinalakay umano ng dalawang panig ang...

Dagdag na P10K scholarship sa mga anak ng OFWs, binuksan ng OWWA

0

MANILA, Philippines - Magbubukas ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng karagdagang 10,000 scholarship slots ngayong taon para sa mga anak ng overseas Filipino workers (OFWs), ayon sa administrador ng ahensya. Sinabi ni OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan na ang hakbang ay bunsod ng record-high trust fund ng ahensya na umabot sa $368 milyon para sa 2026, ang pinakamataas mula...

Ama ng estudyanteng nahulog sa LRT, ‘di magsasampa na kaso sa driver

0

MANILA, Philippines - Hindi na magsasampa ng reklamo ang ama ng estudyanteng nahulog malapit sa isang LRT-1 station sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City laban sa driver na umano’y nakasagasa sa biktima matapos ang insidente. Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), pinalaya ang driver nitong Huwebes ng hapon, Pebrero 12, matapos magsumite ang ama ng notarized letter na...