Kampanya kontra e-sabong, pinaigting ng PNP

0

MANILA, Philippines - Pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon laban sa online cockfighting o e-sabong, kasunod ng ulat ng muling pag-usbong ng ilegal na sugal, ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr. noong Huwebes, Enero 12. Ani Nartatez, patuloy ang Anti-Cybercrime Group (ACG) sa pagtanggal ng online platforms na nagho-host ng e-sabong, ngunit may hamon...

P39.3-M smuggled sigarilyo, tabako, nasabat ng BOC

0

MANILA, Philippines - Higit P39 milyon halaga ng mga ismagel na sigarilyo at mga pinatuyong tabako ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) na patungo sana sa Maynila, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa iligal na kalakalan ng tobacco products. Batay sa natanggap na intelligence report, agad kumilos ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and...

Revilla humarap sa DOJ; counter-affidavit sa kasong plunder, isinumite

0

MANILA, Philippines - Nakasuot ng bullet proof vests, tshirt na dilaw at nakaposas si dating Senator Bong Revilla nang dumating sa Department of Justice (DOJ) upang humarap sa preliminary investigation sa kasong plunder kaugnay sa maanomalyang flood control projects nitong Huwebes Pebrero 12. Ngayong araw nagsumite ng counter-affidavit sa kasong plunder si Revilla kasama ang kanyang lead counsel na si...

2 mambabatas sangkot sa ismagel yosi sa Luzon, nakipag-ugnayan kay Remulla

0

MANILA, Philippines - Nakipag-ugnayan umano kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang dalawang kongresista mula Central Luzon na naunang itinag bilang konektado sa ilegal na kalakalan ng sigarilyo. Noong nakaraang Enero, tinukoy ni Remulla ang dalawang mambabatas matapos madiskubre ang umano’y ilegal na cigarette factory sa Mexico, Pampanga na pinatatakbo ng anim na Tsino. Sa press briefing sa Quezon...

Checkpoint inilatag ng Comelec, Rizal PNP sa Antipolo 2nd District Special Election

0

RIZAL, Philippines - Sinimulan ngayon ang pinaigting na seguridad para sa Special Election sa 2nd District ng Antipolo City, personal na nagsagawa ng inspection sa COMELEC Checkpoint sina PCOL Eleazar R Barber Jr., Provincial Director ng Rizal PPO, at Atty. Arnulfo H Pioquinto, Provincial Election Supervisor. Layunin ng inspeksyon na tiyakin ang maayos na implementasyon ng mga alituntunin ng COMELEC,...

Bam naka-pokus sa paglutas sa problema ng PH, ‘di sa 2028

0

MANILA, Philippines - Binigyang-diin ni Senador Bam Aquino na dapat isantabi muna ang pulitika habang patuloy na hinaharap ng mga Pilipino ang mga mabibigat na suliranin tulad ng krisis sa edukasyon, kawalan ng trabaho, at korapsyon. Nang tanungin ukol sa mga ulat na siya'y tinitingnang posibleng kandidato sa 2028 presidential elections, sinabi ni Aquino na nakakahiyang mamulitika habang patuloy na...

Kamara nagsimula ng konsultasyon sa Anti-Political Dynasty Act

0

MANILA, Philippines - Binigyang-diin ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III nitong Huwebes ang kahalagahan ng bukas at tapat na konsultasyon sa publiko habang sinimulan ng House of Representatives ang nationwide consultations sa panukalang Anti-Political Dynasty Act. Layunin ng konsultasyon na makuha ang malawak na pananaw ng mamamayan sa matagal nang usapin. Ang unang konsultasyon ay ginanap sa Carsigma Gym, Sugar Road,...

Patrol operations vs ismagel yosi, paiigtingin ng PNP

0

MANILA, Philippines - Tumanggap ang Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes ng isang rapid response boat at 30 motorsiklo upang palakasin ang patrol operations at kampanya laban sa ilegal na kalakalan ng sigarilyo. Ayon sa PNP, ang donasyong limang metrong unsinkable patrol vessel ay magpapalakas sa maritime patrol at rapid interdiction capabilities ng pulisya, lalo na sa mga baybaying lugar. Samantala,...

Pagsisiyasat sa Epstein files, itinakda ng Senado

0

MANILA, Philippines - Naghain si Senadora Loren Legarda ng Senate Resolution No. 300 na humihikayat sa Senado na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa “Epstein files.” Binabala ng resolusyon na maaaring nagamit ang Pilipinas bilang base ng digital cover-up operations na layong manipulahin ang pananaw ng publiko, at nanawagan ng agarang aksyon upang mapangalagaan ang kabataang Pilipino at matiyak ang...

P130,000 ismagel yosi nasamsam sa Cebu

0

CEBU, Philippines - Nasamsam ng pulisya ang smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P130,200 sa Cordova, Cebu noong Miyerkules ng gabi, Pebrero 11. Nangyari ang operasyon sa Purok Langub, Barangay San Miguel, Cordova, bilang bahagi ng routine inspection sa mga retail store na pinaghihinalaang nagbebenta ng ilegal na sigarilyo. Sa inspeksyon, nakuha ang 48 reams at 11 packs ng FORT...