Comelec sa mga kabataang botante: Konsensiya sundin, ‘wag dikta ng iba

0

MANILA, Philippines — Hinimok ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kabataan at first-time voters na iboto ang mga lider batay sa sariling konsensiya at hindi sa dikta o impluwensiya ng ibang tao, kasabay ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Binigyang-diin ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia ang panawagan sa isang voter education activity at paglagda ng...

DOH, FDA nagbabala vs ‘di rehistradong gamot, health products

0

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) sa publiko sa pagbili ng mga hindi rehistrado at pekeng health products kabilang ang supplements, cosmetics, at medical devices, na maaaring magresulta sa mga komplikasyon sa kalusugan. Iginiit ni FDA Director General Atty. Paolo Teston na ang mga produktong hindi nairehistro sa FDA ay hindi...

Malampaya gas field binisita ng AFP

0

MANILA, Philippines — Binisita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Malampaya gas field sa karagatan ng Palawan bilang bahagi ng pinaigting na hakbang upang tiyakin ang seguridad ng newly discovered natural gas area. Pinangunahan ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang pagbisita noong Biyernes sa loob ng area of responsibility ng Joint Task Force (JTF)...

PCG nagpasalamat sa rescue efforts ng China sa crew members ng Singaporean-flagged cargo vessel

0

MANILA, Philippines - Nagpasalamat ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang rescue effort ng barko ng China Coast Guard na sumagip sa 17 crew members mula sa isang Singaporean-flagged cargo vessel MV Devon Bay, kasabay ng pagpapatuloy na paghahanap ng PCG sa apat na Filipino seafarers na nawawala pa rin. Ayon kay PCG spokesperson Capt. Noemi Cayabyab, nakatanggap ng report...

Wage hike ‘top national concern’ ng mayorya ng mga Pinoy – OCTA survey

0

MANILA, Philippines — Itinuturing ng mayorya ng mga Pilipino na ang pagtataas ng sahod ng mga manggagawa ang pinakamahalagang pambansang isyung dapat tugunan ng pamahalaan, ayon sa pinakahuling survey ng OCTA Research. Batay sa Tugon ng Masa survey ng OCTA sa ikaapat na quarter ng 2025, 45 porsyento ng mga respondent ang nagsabing ang pagpapabuti at pagtaas ng sahod at...

Final report sa estado ng edukasyon sa Pilipinas ilalabas na ng Edcom 2

0

MANILA, Philippines — Ilalabas na ng Second Congressional Commission on Education (Edcom 2) sa Enero 26 ang kanilang pinal na ulat hinggil sa tunay na kalagayan ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas matapos ang tatlong taong pag-aaral. Inaasahang ihaharap ang ulat sa Kamara, kung saan ilalatag ng komisyon ang mga pangunahing suliranin sa edukasyon at ang mga panukalang reporma upang...

Walang signal jamming sa Iloilo sa Dinagyang Festival

0

MANILA, Philippines - Sa ikatlong sunod na taon ay hindi ilalagay sa signal jamming ang mga key event area para sa Dinagyang Festibal. Ito ay matapos na kontrahin ni Mayor Raisa Treñas-Chu ang rekomendasyon ng Iloilo City Police Office (ICPO) para sa shutdown ng telecoms network sa naturang pista dahil sa maaaring maidulot na inconvenience nito sa mga residente at...

Kim, nag-flex ng mga bag na paninda!

0

Manila, Philippines - Kumbaga sa pelikula, blockbuster. Kumbaga sa produkto, selling like hotcakes. Ganito kung ilarawan ang bag business ni Kim Chiu na talaga namang patok na patok. The Chinita Princess took to her Instagram Stories her good news about her merchandise. Tinatawag na Little Bunny ni Kim ang mga paninda niyang bag. The good news is that dumating na raw ang latest collection...

Beauty, bet suntukin ang yoga teacher!

0

Manila, Philippines - Malaking tulong daw ang yoga para kay Beauty Gonzales para maiwasang makaramdan ng anxiety. Kinailangan daw niyang mag-aral pa nito sa India sa loob ng isang buwan. What was taught to her? Ani Beauty, tinuruan daw siya kung paano mag-meditate kasama na ang wastong paghinga. "So when I get angry, I just meditate. I know it's funny, it's hard...ang hirap...

Catriona, sumabak na sa acting, kakaliskisan!

0

Manila, Philippines - Mataas ang expectation kay Miss Universe 2018 Catriona Gray ngayong papasukin na din niya ang larangan ng akting. Identified with hosting and singing, ibang career avenue nga ito para sa dating beauty queen. Nasa cast si Catriona ng The Loved One which reunites Anne Curtis and Jericho Rosales. Inilabas na ang official trailer nito at mukha namang may promise...