Barzaga naghain ng counter affidavit sa DOJ

0

MANILA, Philippines - Personal na nagtungo si suspended Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga sa Department of Justice (DOJ) upang maghain ng kanyang counter affidavit kaugnay ng inihaing reklamo ng PNP-CIDG na may kinalaman sa anti-Marcos protest at online post. Sa panayam ng mga mamamahayag, naging kumpiyansa si Barzaga na ibabasura ng panel of prosecutors ang reklamong Incident to Sedition...

Toni, pumalag sa isyung hiwalay na sila ng mister!

0

Manila, Philippines - Hindi pinalampas ni Toni Gonzaga ang mga netizen na tumutukoy sa kanila ng asawang si direk Paul Soriano bilang "power couple" that's going through some rough patch in their marriage. Naiulat sa pamamagitan ng blind item, nauna nang itinanggi ito ni Marian Rivera. Hindi daw sila 'yon ng mister na si Dingdong Dantes. Idinenay din ito ni Luis Manzano--hindi...

Face-off nina Kim-Paolo at Janine-Echo, trending!

0

Manila, Philippines - Naghaharap-harap to the point na trending sa social media sina Kim Chiu at Paulo Avelino, at Janine Gutierrez at Jericho Rosales. Nagkaroon ng face-off ang dalawang pares sa birthday dinner ni Garlic Garcia (Big Bad Bawang). Who'd ever expect na magkukrus sila ng landas? But the occasion made it happen--kaya naman nagbubunyi ang fandom! Sey nga ng mga faney: "The...

2 sugatan sa sunog sa Caloocan

0

MANILA, Philippines - Sugatan ang dalawang indibidwal sa sumiklab na sunog sa Caloocan City nitong Huwebes ng hapon, Enero 22, iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP). Ang sunog ay sumiklab sa Barangay 80 ng naturang lungsod at iniulat 12:37 ng hapon kung saan inilagay ito sa unang alarma makalipas ang tatlong minuto. Itinaas ito sa ikalawang alarma pagsapit ng 12:56...

Mamamahayag na si Frenchie Mae Cumpio hinatulang guilty sa terror financing

0

MANILA, Philippines — Hinatulan ng guilty sa kasong terror financing ang batang mamamahayag at radio broadcaster na si Frenchie Mae Cumpio, matapos ang halos anim na taong pagkakakulong sa isang provincial jail, sa kasong tinawag ng mga human rights group at isang UN rapporteur na isang “travesty of justice.” Si Cumpio, 26, at ang dati niyang ka-roommate na si Marielle...

Lawak at saklaw ng anti-dynasty bill mahigpit na pinag-aaralan ng PBBM admin

0

MANILA, Philippines - IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang masusing pagrepaso sa saklaw at lawak ng panukalang anti-dynasty bill. Nangyari ito matapos ang isang pulong sa Malakanyang sa pangunguna ni Pangulong Marcos kung saan tinalakay ang mga probisyon ng anti-dynasty bill, isa sa legislative priorities ni Pangulong Marcos. Sa press brifeing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO)...

Four-star rank nakahandang ilipat ni Torre kay Nartatez – Malakanyang

0

MANILA, Philippines - SINABI ng Malakanyang na nakahanda at payag si dating Philippine National Police chief Police General Nicolas Torre III na ilipat ang kanyang four-star rank kay acting PNP chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. Sa press briefing sa Malakanyang, hiningan kasi ng paglilinaw si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ukol...

Usapin sa pagsuko ni Zaldy Co, ipinaubaya na ng Malakanyang sa Ombudsman

0

MANILA, Philippines - IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Office of the Ombudsan ang usapin ng posibleng pagsuko o pakikipagtulungan ng puganteng si dating mambabatas na si Zaldy Co. Muling inulit ng administrasyon ang posisyon nito na 'non-interference' sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na bukas ang gobyerno...

Preemptive evacuation ipinag-utos sa sunod-sunod na lindol sa Sultan Kudarat

0

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng mga opisyal ng Kalamansig sa Sultan Kudarat ang preemptive evacuation ng mga residente sa coastal barangays dahil sa patuloy na mga pagyanig sa nakalipas na dalawang araw. Nitong Miyerkules ng gabi, Enero 21 ay sinabi ni Kalamansig Mayor Ronan Eugene Garcia na ang lokal na pamahalaan ay nananatiling naka-full alert dahil sa patuloy na seismic...

Pananakot, walang puwang; Pinas di uurong – Goitia

0

MANILA, Philippines - MARIING kinondena ni Dr. Jose Antonio Goitia ang umano’y pananakot ng China laban sa mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG), kasunod ng palitan ng pahayag nina Commodore Jay Tarriela at ng Chinese Embassy kaugnay ng mga insidente sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Goitia, ang pagbubunyag ng PCG ay batay sa tunay na ebidensya at...