Usec Bernabe, itinalagang tagapagsalita ng DPWH
MANILA, Philippines - Itinalaga ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Undersecretary Ricardo Bernabe III bilang spokesperson sa mga legal na katanungan, ayon sa pahayag ni Secretary Vince Dizon nitong Lunes. Inanunsyo ito ni Dizon sa pulong balitaan nitong Lunes ng umaga ngunit hindi pa inihayag ang opisyal na pagsisimula ng kanyang termino sa kagawaran. Si Bernabe ay nagsisilbing...
Nagtangkang magnakaw ng kable sa Kyusi, nalapnos; 8,000 kabahayan nawalan ng kuryente
MANILA, Philippines - Nawalan ng kuryente ang 8,000 kabahayan sa Quezon City matapos subukang nakawin ng isang lalaki ang electric cable noong Enero 4 sa North Diversion Road. “Kasi nilalagare niya po yung power cable and then, yun nga, nagkaroon po ng flashover. Yung kanya pong tinutuntungang puno ay nahulog po yung suspect,” ayon kay Meralco Senior VP Froilan Savet. Nasugatan...
Pinoy naniniwala sa pagpapanagot sa mga opisyal sa flood control mess – Malakanyang
MANILA, Philippines - Nananatiling kumpiyansa ang Malakanyang na mayorya ng mga pinoy ay naniniwalang mapananagot at makukulong ang mga inaasahang suspek ng flood control mess. Ito'y sa kabila ng lumabas kamakailan na resulta ng survey ng Pulse Asia na nagpapakita na bumaba sa huling kwarter ng 2025 ang kumpiyansa ng mga pinoy na mapananagot ng gobyerno ang mga opisyal na...
Infant formula products na ni-recall, masusing iniimbestigahan ng FDA
MANILA, Philippines - Ipinaalam ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas sa publiko na aktibo itong nangangasiwa at nagbe-verify sa boluntaryong pag-recall ng Nestlé Philippines sa ilang batch ng NAN OPTIPRO at NANKID OPTIPRO infant formula products bilang pag-iingat matapos matuklasan ang isang potensyal na isyu sa kaligtasan at kalidad. Ang volunteers recall ay kasunod sa isang iniulat na...
Anti-political dynasty bill, reporma sa party-list system, inihain sa Senado, Kamara
MANILA, Philippines - Naghain si Senator Risa Hontiveros at ang Akbayan Party-list ng panukalang batas sa Senado at Kamara para ipagbawal sa mga political dynasty at government contractors sa pagiging party-list nominees o representatives, sa layuning ibalik ang tunay na representasyon ng mga ordinaryong Pilipino. Ayon kay Sen. Hontiveros, hindi dapat gamitin ang party-list system ng mga abusadong personalidad bilang...
Impeachment case vs PBBM, “political noise” lang – solon
MANILA, Philippines - Tinanggihan ng ilang miyembro ng House of Representatives ang balitang may planong i-impeach si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sinabing wala pang pormal na reklamo at dapat nakabatay sa malinaw na ebidensya at Konstitusyon. Ayon kay Rep. Jude Acidre, ang impeachment ay seryosong proseso at hindi dapat batay sa tsismis o political pressure. Sinabi naman ni Rep. Zia...
Mas mahigpit na aksyon sa basura ngayong Zero Waste Month, ipinanawagan ni Sen. Legarda
MANILA, Philippines - Sa pagdiriwang ng National Zero Waste Month ngayong Enero, nanawagan si Senator Loren Legarda ng mas matibay na aksyon laban sa lumalalang problema ng basura sa Pilipinas. Ayon sa kanya, habang lumalawak ang kamalayan at mga community initiatives, kailangan ng mas malalim na reporma at kolektibong pagkilos. “Zero Waste initiative is a national imperative. We must move beyond...
2 babae nasagip ng BI sa human trafficking
MANILA, Philippines - Nasagip ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang babae, 25 at 26 anyos, na nagpapanggap na empleyado ng Kongreso habang sinubukang maipadala sa Vietnam at Bulgaria para sa ilegal na trabaho. “These are clear indicators of human trafficking—fake employment documents, false declarations, and instructions to wait for papers in another country,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony...
Pangisdaan Festival
Nilahukan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan, suot ang makukulay na kasuotan, ang street dance competition sa Pangisdaan Festival, kung saan ipinakita ang makukulay at mayamang kultura na natatangi sa lungsod ng Navotas. (JOJO RABULAN)
Mega Job Fair ikinasa sa ika-120 anibersaryo ng Navotas
MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng Navotas, nagdaos ang Public Employment Service Office (PESO) ng isang Mega Job Fair. Mahigit 34 partner companies ang nagbukas ng mga oportunidad sa trabaho, at inaasahang hanggang 83 applicants ang maa-hire-on-the-spot. (JOJO RABULAN)











