Senior citizens na-isnab sa SONA – solon
MANILA, Philippines — Nalungkot si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes dahil walang malinaw at partikular na programang inilatag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga nakatatandang Pilipino sa kanyang State of the Nation Address. Sinabi ni Ordanes na inaasahan niyang susuportahan ng Pangulo ang P1,000 universal social pension para sa lahat ng senior citizen anuman ang...
BFP niluwagan height, age requirements sa mga aplikante
MANILA, Philippines — Muling pinayagan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagproseso ng height at age waiver applications, na nagbibigay ng pagkakataon sa mas maiikling aplikante na may natatanging kwalipikasyon o espesyal na kasanayan na makapasok sa ahensya. Para sa height waiver, kailangang hindi bababa sa 1.52 metro o 4 feet 11 inches ang taas ng mga lalaking aplikante...
CAB, itinaas sa Level 13 airline fuel surcharge sa Agosto 1–15
MANILA, Philippines — Posibleng tumaas ang presyo ng airline tickets sa unang kalahati ng Agosto matapos itaas ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa Level 13 mula Level 8 ang pinapayagang fuel surcharge dahil sa pabago-bagong presyo ng langis. Sa ilalim ng Level 13, maaaring maningil ang mga airline ng dagdag na PHP423 hanggang PHP1,237 para sa domestic flights at PHP1,396.74...
Biz group sinita “hits and misses” sa SONA 2026
MANILA, Philippines — Positibo sa kabuuan ang pagtanggap ng mga lokal at dayuhang business group sa ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngunit iginiit nilang kailangan ang malinaw na pagpapatupad, magkakatugmang polisiya, at mas malalim na reporma upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya. Sinuportahan ng mga grupo ang pagtutok ng Pangulo sa investment competitiveness,...
DFA handang linawin provisional understanding sa Ayungin sa Senate probe
MANILA, Philippines — Handa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na sagutin sa Senado ang mga usapin kaugnay ng provisional understanding ng Pilipinas at China sa Ayungin Shoal, kasunod ng panawagang imbestigahan ang kasunduan. “The DFA respects the Senate’s mandate to conduct hearings,” sinabi ni Foreign Affairs Spokesperson for Maritime Affairs Rogelio Villanueva sa isang text message. “The DFA welcomes the...
Sandiganbayan, ibinasura maagang mosyon ni Estrada para sa piyansa
MANILA, Philippines — Ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon ni Senator Jinggoy Estrada na humihiling na magtakda agad ang korte ng halaga ng piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya, dahil maaga pa umano itong inihain at walang sapat na legal na batayan. Sa walong-pahinang resolusyon na may petsang Hulyo 24, sinabi ng Fifth Division ng anti-graft court na hindi pa naghahain...
VP Sara: ‘Wag nang umasang makukulong si Romualdez
MANILA, Philippines — Sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi dapat asahan ng publiko na makukulong si dating House Speaker Martin Romualdez at iba pang mambabatas na umano’y sangkot sa anomalya sa flood control projects. Sa isang panayam sa The Hague, Netherlands, kinuwestiyon ni Duterte ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation...
Super El Niño posibleng maranasan mula Oktubre 2026 — PAGASA
MANILA, Philippines — Umaabot sa 81% ang posibilidad na magkaroon ng napakalakas na El Niño mula Oktubre 2026 hanggang Enero 2027, ayon sa state weather bureau na PAGASA nitong Martes. “Climate models suggest El Niño will likely intensify (81%) over the next few seasons and persist until first half of 2027,” pahayag ng PAGASA sa climate outlook nito para...
PBBM pinadala si Dizon sa Davao; mga binahang lugar, bubusisiin
MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na inspeksiyunin ang mga lugar na binaha sa Davao City dahil sa epekto ng bagyong Kiyapo at Southwest Monsoon. Ibinigay ni Marcos ang direktiba habang iniinspeksiyon ang People’s Ville housing project sa ilalim ng pinalawak na Pambansang...
Ex-OFW sa GenSan, paldo ng P97.9-M lotto jackpot
MANILA, Philippines — Isang dating overseas Filipino worker mula sa General Santos City ang solong nanalo ng P97,966,977.93 jackpot sa Mega Lotto 6/45 draw noong Hulyo 3, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office. Tinamaan ng mananaya ang winning combination na 43-02-13-05-36-01 matapos tumaya ng apat na Lucky Pick combinations sa halagang P100. Ayon sa PCSO, katatapos lamang ng kontrata ng nanalo...












