P60 cap sa booking fees sa app-based taxis itinakda ng LTFRB
MANILA, Philippines - Itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang maximum na P60 cap sa booking at platform fees sa mga passenger taxi sa digital platforms. Sa pahayag nitong Sabado, Hulyo 18, sinabi ng LTFRB na inaprubahan nito ang Memorandum Circular (MC) 2026-055, na nagtatakdang ang authorized booking o platform fee na maaaring singilin ng mga taxi...
Philippine eagle na nasagip sa Bukidnon, pumanaw na
MANILA, Philippines - Pumanaw na ang Philippine eagle sa Bukidnon na si Sawaga-Dalwangan, habang sumasailalim sa rehabilitasyon, ayon sa anunsyo ng Philippine Eagle Foundation (PEF) nitong Sabado, Hulyo 18. “It is with deep sadness that we announce the death of Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan while undergoing rehabilitation at the Philippine Eagle Center,” saad sa pahayag ng PEF. Si Sawaga-Dalwangan, na isang batang...
Ginang binaril ng kapitbahay sa harap ng menor de edad dahil sa panabong na manok
MANILA, Philippines - Isang ginang ang binaril ng kanyang kapitbahay makaraang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa Green Valley, Barangay San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite. Ayon sa report ng Bacoor Component City Police Station (CCPS), bandang alas-3:40 ng hapon nagsimula ang komprontasyon ng magkapitbahay dahil sa naipong tubig sa harap ng bahay ng suspek na sinasabing naging sanhi ng pagkamatay...
Cayetano sa Pinoy: ‘Wag magpadala sa distraction ng Palasyo sa flood control scandal
MANILA, Philippines - Hinimok ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mga Pilipino nitong Huwebes na huwag magpadala sa “distractions” na naglalayo sa atensyon ng publiko mula sa hindi pa nareresolbang flood control scandal. Sa halip, nanawagan siyang tumulong ang publiko na i-“disrupt” ang malawakang korapsyon na tila naging normal na sa bansa. “The willingness to investigate almost everything and...
Barangay tanod huli sa aktong nagsa-shabu sa Valenzuela
MANILA, Philippines - Arestado ang isang barangay tanod matapos maaktuhang sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 11, 12, at 15 ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang suspek na si alyas “Rico” ng Disiplina Village, Brgy., Bignay. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, inireport ng 45-anyos na house maid sa mga tauhan...
Kapitan sa NegOcc arestado sa iligal na armas, pampasabog
MANILA, Philippines - Inaresto ng mga awtoridada ang isang barangay kapitan sa Victorias City, Negros Occidental dahil sa pagkakaroon ng iligal na armas at pampasabog sa search warrant operation nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 17, ayon sa Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR). Kinilala ang suspek na si alyas "Gar," 54-anyos ng Hacienda Nasipunan, Barangay 12. Ayon kay PRO-NIR spokesperson Lt....
MMDA enforcer na nag-counterflow sa EDSA Busway sinuspinde
MANILA, Philippines - Sinuspinde na sa serbisyo ang isang enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na naaktuhang nagka-counterflow sakay ng motorsiklo sa EDSA Busway sa bahagi ng Cubao, Quezon City. Ang enforcer ay makikitang kinompronta ang drayber ng EDSA Carousel na bumibiyahe sa kasalubong na direksyon ng motorsiklo. Suot ng lalaking nakasakay sa motorsiklo ang uniporme ng MMDA at hinihinalang...
Lisensya ng drayber ng naaksidenteng trak sa Bukidnon pinag-aaralan ng LTO
MANILA, Philippines – Posibleng masuspinde ang driver's license ng drayber ng trak na nasangkot sa aksidente sa Bukidnon na ikinasugat ng ilang student intern, ayon sa Land Transportation Office (LTO). Sinabi ni LTO Maramag District Head Salome M. Navarro na nakuha na ng ahensya ang police report at blotter mula sa Maramag Municipal Police Station bilang bahagi ng isinasagawang administrative...
Isa wagi ng P20.2M jackpot sa Lotto 6/42
MANILA, Philippines - Nauwi ng isang solong mananaya ang P20.2 milyong jackpot sa Lotto 6/42 nitong Sabado, Hulyo 18. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang nanalo ay bumili ng tiket sa Pasay City na nahulaan ang winning number combination na 27-32-39-26-12-07 at nanalo ng P20,167,956.53 jackpot. Samantala, wala namang nanalo ng jackpot sa Grand Lotto 6/55. Ito ay matapos walang makahula...
2 sundalo, 3 sibilyan sugatan sa pagsabog ng granada sa Maguindanao del Sur
MANILA, Philippines - Sugatan ang dalawang sundalo at tatlong sibilyan sa pagsabog ng granada sa kalsada sa Barangay Mother Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur, nitong Sabado ng umaga, Hulyo 18. Nakita sa CCTV footage ang mga sasakyan na bumibiyahe sa kalsada nang biglang lumiko ang isang motorsiklo na sinundan ng military vehicle. Ilang sandali ay niyanig ng pagsabog ang lugar...












