Abogado ng dating bodyguards ni Zaldy Co, ‘di nakapagsumite ng counter-affidavit

0

MANILA, Philippines - Inihayag ni Atty. Levito Baligod na nakatanggap siya ng warrant of arrest kaugnay ng dalawang bilang ng cyberlibel. Ayon kay Baligod, hindi siya nabigyan ng pagkakataong magsumite ng counter-affidavit dahil umano sa maling address na inilagay ng nagreklamo sa kaso. Sinabi niyang ang ibang naghain ng libel cases laban sa kanya ay may tamang address, ngunit sa kasong...

NDRRMC: Bilang ng nasawi sa Habagat, Bagyong Inday umabot na sa 23

0

MANILA, Philippines - Umabot na sa 23 ang naitalang nasawi dahil sa pinalakas na Habagat at Bagyong Inday, ayon sa NDRRMC. Sa bilang na ito, isa pa lamang ang kumpirmadong nasawi, habang bineberipika pa ang 22 iba pa. Naitala rin ang 18 nawawala, kung saan dalawa pa lamang ang kumpirmado, at walo ang nasugatan, dalawa rito ang napatunayan na. Apektado ng...

Yellow Alert muling ipinatupad sa Visayas power grid

0

MANILA, Philippines - Muling isinailalim sa Yellow Alert ang Visayas power grid ngayong Hulyo 14, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Epektibo ang alerto mula 5:00 p.m. hanggang 8:00 p.m., kaya posible ang rotational brownout sa ilang lugar sa Visayas sa naturang oras. Ayon sa NGCP, kulang pa rin ang suplay ng kuryente upang matugunan ang pangangailangan ng...

Pagpapalipad malapit sa Mayon, ibinabala ng CAAP

0

MANILA, Philippines - Naglabas ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng abiso sa mga piloto na iwasang lumipad malapit sa Mayon Volcano dahil sa tumitinding aktibidad nito. Bawal ang paglipad mula sa ibabaw ng bulkan hanggang 11,000 talampakan simula 3:45 a.m. ng Hulyo 14 hanggang 3:12 a.m. ng Hulyo 15, 2026. Nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon. Noong Martes...

Cayetano binusisi ilang butas sa NBI probe sa pagbabanta ni VP Duterte kay BBM

0

MANILA, Philippines - Binusisi ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano nitong Lunes ang ilang butas at hindi pagkakatugma sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagbabanta ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa ikaapat na araw ng impeachment trial nitong July 13, sunod-sunod na tinanong ni Cayetano si NBI BARMM Regional Director Jeremy Lotoc...

Senate probe, ikinasa ni Lacson vs ‘bill shock’ sa singil ng kuryente

0

MANILA, Philippines - Naghain si Sen. Panfilo "Ping" M. Lacson ng resolusyon para imbestigahan ng Senado ang "bill shock" kabilang ang patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente, sa gitna ng mga pangamba sa iregularidad sa pagbabasa ng metro, at system losses na pinapasa sa consumer. Sa Senate Resolution No. 511, hiniling ni Lacson sa kaukulang komite ng Senado na...

Suplay ng tubig sa inyong gripo, malinis nga ba? PAGTATAPON NG ‘SEPTIC WASTE’ PINABUBUSISI NI GOV. UMALI

0

NUEVA ECIJA, Philippines - HINAMON ni Nueva Ecija Governor Aurelio ‘Oyie’ Umali ang Department of Environment and Natural Resources na imbestigahan ang umano’y hindi maayos na pagpapatupad ng RA 9275 (Clean Water Act of 2004) na naglalagay sa panganib sa  kalusugan ng milyon-milyong residente hindi lang sa Central Luzon, bagkus sa buong bansa. “I challenge the DENR to investigate these...

Suspek sa viral cellphone snatching sa Maynila, arestado

0

MANILA, Philippines - Inaresto ng Manila Police District (MPD) ang isang 31-anyos na barker na hinihinalang responsable sa viral na pag-agaw ng cellphone ng isang pasahero ng jeep sa Osmeña Highway, Pandacan, Maynila noong Hulyo 14. Nahuli ang suspek na kilala lamang sa alyas na "Jayson" sa isinagawang operasyon laban sa mga ilegal na barker at sagabal sa kalsada. Sa isinagawang...

NegOr magsasagawa ng active shooter, bomb threat drills sa mga paaralan

0

NEGROS ORIENTAL, Philippines - Magsasagawa ang Negros Oriental Police Provincial Office (NOrPPO) ng active shooter at bomb threat drills sa mga paaralan upang ihanda ang mga estudyante, guro, at kawani sa mga posibleng emerhensiya. Ayon kay Capt. Stephen Jaynard Polinar, layunin ng pagsasanay na maturuan ang mga paaralan ng tamang pagtugon sa mga insidente ng pamamaril at banta ng bomba. Isasagawa...

AI Development & Regulation Act, isinusulong ni Rep. Benitez

0

Isinusulong ni Negros Occidental Third District Rep. Javier Miguel “Javi” L. Benitez ang pagsasabatas sa panukalang Artificial Intelligence Development and Regulation Act.Layunin ng panukalang batas na pabilisin ang pag-unlad at responsableng paggamit ng artificial intelligence (AI) sa Pilipinas kaysa sa paghihigpit sa paggamit nito at magkaroon ng access para sa mga Filipino researchers, AI adoption sa mga maliliit na...