103 modernong PUV stops, itinatayo ng DOTr

0

MANILA, Philippines - Bilang bahagi ng hakbang sa pagpapabuti ng kaligtasan at kaginhawaan ng mga komyuter, ang Department of Transportation (DOTr) ay nagtatayo ng 103 modernong PUV stops sa buong bansa. Sa isang pahayag, sinabi ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na marami sa mga commuter ang walang maayos na silungan tuwing masamang lagay ng panahon, habang ang kakulangan ng...

Iran at Oman, pinag-aaralan singil sa pagdaan sa Strait of Hormuz

0

MUSCAT, Oman — Nagkasundo ang Iran at Oman na pag-aralan ang mga gastusin na maaaring ipataw para sa mga serbisyong may kaugnayan sa pamamahala ng Strait of Hormuz habang muling iginiit ng dalawang bansa ang kanilang karapatan sa mga teritoryal na katubigan sa naturang rutang pandagat. Sa magkasanib na pahayag nitong Martes, sinabi ng dalawang bansa na magpapatuloy ang kanilang...

Binata, utas sa Florida bus

0

TUMAUINI, Isabela – Halos magkandadurog ang ilang bahagi ng katawan ng isang 30-anyos na binata matapos mabangga at masagasaan ng isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Ugad, Tumauini, Isabela. Kinilala ang biktima na si “Anton,” binata at residente ng Purok 2, Brgy. Ugad, Tumauini.Dakong alas-5:10 ng umaga nang maganap ang aksidente kung saan binabagtas umano ng...

Bebot timbog sa ₱1.7M tobats sa Muntinlupa buy-bust ops

0

MANILA, Philippines - Nalambat ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD) ang isang babaeng pusher makaraang mahulihan ng ₱1.7 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Muntinlupa City noong Lunes ng hapon, Hunyo 22. Kinilala ni SPD director P/Brig. Gen. Glenn Oliver C. Cinco ang nadakip na suspek na si alyas Jane,...

Rider, dedo matapos mahulog sa construction site sa Benguet

0

TUBA, Benguet — Patay ang isang 29-anyos na motorsiklista matapos mahulog sa isang construction site sa Sitio Maramal, Camp 4, Tuba, Benguet madaling-araw ng Hunyo 23. Kinilala ni Police Major Orville Wap, hepe ng Tuba Municipal Police Station, ang biktima na isang katutubo ng Karao, Bokod, Benguet at residente ng Camp 4, Tuba. Sa imbestigasyon, napag-alaman na may narinig na malakas...

Tubig sa Angat Dam, bubulusok sa kritikal na antas ngayong Hunyo

0

MANILA, Philippines – Posibleng umabot sa kritikal na antas na 160 metro ang lebel ng tubig sa Angat Dam bago matapos ang Hunyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Batay sa datos ng PAGASA, nasa 163.51 metro ang lebel ng tubig sa dam bandang alas-8 ng umaga nitong Miyerkules at bumababa ng halos kalahating metro bawat...

Bagong bagyo papasok sa Pinas sa Huwebes – PAGASA

0

MANILA, Philippines – Papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes ang Tropical Storm Higos at bibigyan ng lokal na pangalang Gardo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Bandang alas-10 ng umaga nitong Miyerkules, namataan ang Higos sa layong 2,120 kilometro silangan ng Central Luzon habang kumikilos pa-kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras...

CCTV sa klasrum, muling isinusulong sa Senado

0

MANILA, Philippines – Muling isinulong sa Senado ang pagpapalawak ng paggamit ng closed-circuit television (CCTV) cameras at iba pang hakbang sa seguridad sa mga paaralan kasunod ng madugong pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng ilan pa. Ayon kay Sen. Raffy Tulfo, ipinapakita ng insidente ang pangangailangang maipatupad ang...

SocMed ban sa 16-anyos pababa, muling isinusulong ni SP Win

0

MANILA, Philippines – Muling isinulong ni Senate President Sherwin Gatchalian ang panukalang pagbawalan ang mga menor de edad na 16 taong gulang pababa na gumamit ng social media kasunod ng madugong pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong katao. Ayon kay Gatchalian, dapat pagtuunan ng pansin ang epekto ng social media at mararahas na online content...

Mga kaso isasampa sa pagkamatay nina Baterbonia, Adili sa Biyernes – SILG Remulla

0

MANILA, Philippines – Isasampa na sa Department of Justice (DOJ) sa Biyernes ang mga kaso kaugnay ng pagkamatay ng mga manlalaro ng Ateneo na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili matapos halos matapos na ang imbestigasyon ng mga awtoridad, ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Miyerkules. Ayon kay Remulla, nasa huling yugto...