LPG may taas-presyo ngayong Agosto

0

MANILA, Philippines - Nag-anunsyo ang mga kumpanya ng langis ng isa pang yugto ng pagtaas ng presyo sa mga produktong liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Agosto. Sa isang advisory, sinabi ng Solane na magtataas ito ng presyo ng kanilang cooking gas ng P0.27 kada kilo simula alas-6 ng umaga ng Huwebes, Agosto 1, 20204. Samantala, sinabi ng Petron Corporation na tataas...

RJ Abarrientos bida sa panalo ng Ginebra kontra New Taipei

0

Pinangunahan nina RJ Abarrientos at Stephen Holt ang Barangay Ginebra para talunin ang New Taipei Kings, 91-87, noong Miyerkules sa Macao WUS International Basketball Club Challenge. Nagtapos si Abarrientos na may 20 puntos kabilang ang isang three-pointer sa natitirang 2:11 upang iunat ang kalamangan ng Barangay Ginebra sa apat na puntos, 88-84. Bago ang tres ni Abarrientos, nanguna si Holt para...

“ISANG LINGGONG SERBISYO” IPAGKAKALOOB NG PCSO ANG MEDICAL ASSISTANCE

0

Target ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na opisyal na simulan ang implementasyon ng pinakabago nitong programang “Isang Linggong Serbisyo” ngayong buwan ng Agosto 2024. Ito ang ibinahagi ni board director Imelda Pa­pin nang makapanayam ng media sa kanyang tanggapan sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City nitong July 23, 2024.Dati-rati, problema ng mga kaanak ng pasyenteng nasa mga ospital kapag...

10-anyos patay sa sunog sa Paco, Maynila

0

MANILA, Philippines - Patay ang isang sampung taong gulang na bata matapos ma-trap sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Paco, Maynila nitong Miyerkules ng umaga. Sa imbestigasyon, sumiklab ang sunog na umabot sa ikalawang alarma sa isang bahay sa kahabaan ng Merced Street at tumagal ng mahigit isang oras. Sinabi ng tiyahin ng biktima at ng kasambahay na nakulong...

Mga mananaya bokya sa P162M lotto jackpots

0

MANILA, Philippines - Walang nanalo sa Grand Lotto 6/55 at Megalotto 6/45 draw noong Miyerkules, Hulyo 31, 2024., ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office. Walang bettor ang nakahula sa panalong kumbinasyon na 32-42-36-23-48-37 para manalo ng P139,747,534.40 na premyo sa Grand Lotto 6/55. Ganoon din ang masasabi para sa Megalotto 6/45 at sa P22,324,138.80 na jackpot nito matapos walang makahula sa...

Tiu Laurel sa BFAR: Mga mangingisdang apektado ng Bataan oil spill tulungan

0

MANILA, Philippines - IPINAG-UTOS ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), araw ng Miyerkules na tulungan ang mga mangingisda na naapektuhan ng oil spill mula sa tumaob na motor tanker na Terra Nova sa Bataan. Sinabi ni Tiu Laurel, kasalukuyan na ngayong ina-assess ng BFAR ang mga nasirang lugar upang madetermina ang...

Milyon-milyong halaga ng ‘di sertipikadong appliances, nadiskubre ng DTI sa isang warehouse

0

MANILA, Philippines - NAGBABALA ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyante partikular ang mga retailers ng mga uncertified appliances na hahabulin sila ng naturang Kagawaran sa hindi pagsunod sa batas at regulasyon. Ang pahayag ay ginawa ni DTI Secretary Alfredo Pascual makaraang papalo sa halos P44 million ang halaga ng nasabat na uncertified appliances ng Department of...

Obrero patay sa away ng maglive-in partner

0

MANILA, Philippines - Isang construction worker ang namatay makaraang makisawsaw nang pagtulungang bugbugin laban sa bayaw ng mag-live in partner sa Olaes, General Mariano Alvarez, Cavite. Sa report, kinilala ang biktima na si Alyas Danilo, 35 taong gulang, nakatira sa Brgy Olaes, ng nasabing lugar na naisugod pa sa CARSIGMA Hospital subalit inilipat sa ASEAN Medical Hospital kung saan ito...

Konduktor patay sa pagbangga ng bus sa likod ng trailer truck

0

LA UNION - Patay ang konduktor at sugatan ang isang pasahero matapos na bumangga ang bus sa likod ng trailer truck sa Brgy. Rissing, Bangar ng lalawigang ito kaninang 3:20 ng madaling-araw, Hulyo 31. Base sa ipinadalang ulat ng Bangar Municipal Police Station sa Police Regional Office 1, dead on the spot sa naturang insidente ang lalaking 26-anyos, may asawa,...

Service crew na sinita sa ‘di pagsusuot ng helmet, huli sa shabu

0

MANILA, Philippines - ARESTADO ang isang service crew makaraang mahulihan ng hinihinalang shabu matapos sitahin sa hindi pagsusuot ng helmet sa police checkpoint sa Brgy. Apolonio Samson, Quezon City nitong madaling araw ng Miyerkules, Hulyo 31. Sa ulat ng pulisya, kinilala ang nadakip na suspek na si Garry Abriza, 36, binata, tubong Quezon province at residente ng 69-E Barangay San...