Pagkamatay ng magkapatid sa loob ng kotse sa Pampanga, walang foul play – police

0

MANILA, Philippines - Walang nakitang foul play ang pulisya sa pagkamatay ng magkapatid na edad 5 at 6 sa loob ng abandonadong sasakyan sa Santo Tomas, Pampanga noong Hulyo 6. Ayon sa mga awtoridad, kawalan ng hangin o asphyxia ang nakitang dahilan ng pagkamatay ng dalawang bata. Dagdag pa, umabot pa ng tatlong araw bago nakita ang bangkay ng mga ito. Sa...

Kauna-unahang cable car system sa Pilipinas, posible sa 2028 – DOTR

0

MANILA, Philippines - Posibleng maging operational na sa 2028 ang kauna-unahang cable car system ng bansa. "It's our first cable car project, we were told that it will take up to two years of construction. If we award the contract in 2026, it is possible to in 2028," saad sa pahayag ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan nitong...

Wanted posters, pabuya nakatulong sa pagkakaaresto sa kasamahan ni Quiboloy – DILG

0

MANILA, Philippines - Labis na nakatulong ang mga wanted posters na inilabas ng Philippine National Police sa pagkakaaresto kay Pauleen Canada, co-accused ng puganteng si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy. Sa ulat, si Canada ay naaresto sa isang subdivision sa Davao City kasunod ng tip na ipinadala sa DILG nitong Martes. Natunton si Canada dalawang kilometro lamang ang...

4 Chinese sa Pampanga arestado sa kidnap-for-ransom

0

MANILA, Philippines - Inaresto ang apat na Chinese nationals sa Angeles City, Pampanga dahil sa umano'y kaugnayan sa kidnap-for-ransom syndicate. Sa ulat, isang dayuhan ang nasaktan matapos na subukan niyang makatakas mula sa mga awtoridad sa loob ng isang exclusive subdivision. “Nung approaching kami sa area, ay namataan kami nung isa sa mga sa subjects, kaya agad na siyang nagtago. Napagalaman...

16 estudyante patay sa gumuhong paaralan sa Nigeria

0

NIGERIA - Nasa 16 estudyante ang nasawi matapos na gumuho ang isang paaralan sa Nigeria habang isinasagawa ang isang pagsusulit. Humingi ng saklolo ang mga natrap na estudyante sa gumuhong Saint Academy school sa Jos North district ng Plateau State, nitong Biyernes, Hulyo 12. Ayon sa mga opisyal, sa ngayon ay may ilan nang mga nasawi ngunit nakita ng isang reporter...

Pag-host ng Pinas sa UN Loss and Damage Fund Board ikinatuwa ng solon

0

MANILA, Philippines - Binati ni House Ways and Means Chair at Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda si Pangulong Bongbong Marcos sa matagumpay na pagsisikap nito na maging host ang Pilipinas sa susunod na pulong ng ‘Loss and Damage Fund (LDF) Board’ sa ilalim ng ‘United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).’ “Malaki ang maitutulong nito sa Pilipinas...

Walang nanalo sa major jackpot lotto draws

0

MANILA, Philippines - Walang maswerteng nanalo sa draw ng Ultra Lotto 6/58 at Megalotto 6/45 nitong Biyernes, Hulyo 12, 2024. Ang winning combination para sa Ultra Lotto 6/58 ay 20-55-35-51-52-38 para sana sa jackpot prize na P49.5 million. Samantala, wala ring nakasungkit ng winning numbers para sa Megalotto 6/45 na 28-35-01-27-29-17 sa papremyong P8,910,000. RNT/JGC

Lalaking magpapa-dialysis patay sa tumawid na aso

0

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang lalaking patungo sana sa ospital para magpa-dialysis matapos na maaksidente ang sinasakyan nitong motorsiklo dahil sa asong biglang tumawid sa Calasiao, Pangasinan. Kinilala ang biktima na si Alfredo Sarmiento, 52-anyos, na agad nasawi matapos maaksidente sa Barangay Doyong. Sa ulat ng pulisya, sakay ng minamaneho niyang motorsiklo papunta sa ospital si Sarmiento nang makasagasa ito...

Alice Guo nagpasalamat sa mga bumati sa birthday: ‘Everything is temporary’

0

MANILA, Philippines - Nagpasalamat si suspended Mayor Alice Guo sa mga taga-suporta nito sa social media sa kanyang kaarawan. Si Guo, na ginigisa ngayon ng Senado dahil sa umano'y kaugnayan sa illegal Philippine offshore gaming operations (POGO) sa kanyang bayan, ay nagpasalamat sa kanyang mga nasasakupan. Sa mahabang post, sinabi ni Guo na hindi niya pinagsisisihan ang pagpasok sa politika sa...

La Niña alert, itinaas

0

MANILA, Philippines - Itinaas ng PAGASA nitong Biyernes, Hulyo 12 ang La Nina alert dahil sa paglamig ng sea surface temperatures (SST) sa central at eastern Pacific Ocean. Ayon sa monitoring ng ahensya, may 70% tsansa na ang La Nina phenomenon ay magsimula na sa Agosto, Setyembre o Oktubre at magpapatuloy hanggang sa unang quarter ng 2025. "The country may experience...