8.5 magnitude lindol mula sa Eastern Luzon Trench, pinaghahandaan na ng OCD R02

0

CAGAYAN, Philippines - Pinaghahandaan na nang Office of Civil Defense (OCD) Region 02 ang Eastern Luzon Trench na matatagpuan sa silangang bahagi ng baybayin ng Cagayan na may kakayahang magdulot ng napakalakas na lindol na maaaring umabot sa 8.5 magnitude. Binigyang-diin ni OCD Region 2 Director Albert Mogol sa isinagawang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ng Cagayan Valley Regional Disaster Risk...

Fake News: House prosecution team umalma, itinangging nanguna defense panel ni VP Sara sa pre-trial

0

MANILA, Philippines - Mariing pinabulaanan ng House prosecution panel ang mga kumakalat na pahayag sa social media na naisantabi sila ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa isinagawang pre-trial conference ng impeachment case. “That is not true. I charge it to fake news,” ani House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro sa isang press conference matapos lumabas ang...

Pagpapatuloy sa rehabilitasyon ng mga imprastraktura, tiniyak ni PBBM

0

CEBU, Philippines - Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes na magpapatuloy ang rehabilitasyon ng pamahalaan sa mga imprastraktura upang mabawasan ang pinsalang dulot ng mga kalamidad. "So, patuloy lang ang ginagawa natin para hindi na maulit ‘yung napakalaking perwisyo ng pagdaan ng bagyo, ng ilog, at saka nung pagdaan nung baha dito at ang daming nasira,"...

Veteran litigator itinalaga bilang legal spokesperson ng impeachnment prosecution panel

0

MANILA, Philippines - Pormal nang sumali sa private prosecution team ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang kilalang litigation lawyer na si Atty. Benjamin S. Tolosa Jr., na magsisilbi ring legal spokesperson ng prosecution panel. Inanunsyo ni House Committee on Justice Chairperson at lead prosecutor Batangas Rep. Gerville Luistro ang pagpasok ni Tolosa sa prosecution team sa ginanap...

Kinumpuning Metro Cebu Expressway segment, ininspeksyon ni PBBM

0

CEBU, Philippines - Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,. araw ng Lunes ang rehabilitadong bahagi ng Segment 3A ng Metro Cebu Expressway (MCE). Nagpahayag ng kumpiyansa na ang road section na napinsala ng landslide ilang taon na ang nakalilipas ay magagamit na ngayon ng mga motorista at makatutulong na mapalakas ang economic activity sa southern Cebu. Kasama sina Department of...

LGUs kinalampag ni Gatchalian vs stunting o pagkabansot ng mag-aaral

0

MANILA, Philippines - Kasunod ng unang naitalang pagtaas ng kaso ng ‘stunting’ o pagkabansot sanhi ng malnutrisyon sa mga bata sa Pilipinas sa loob ng 10 taon, nanawagan si Senate President Win Gatchalian sa mga lokal na pamahalaan na kumilos upang mabawi ang pagbaba ng kaso nito. Ang panawagan ni Gatchalian ay umaayon sa Early Childhood Care and Development (ECCD)...

75 tulak, P2M droga laglag sa Bulacan buy-bust ops

0

BULACAN, Philippines - Arestado ang 75 indibiduwal habang nakakumpiska ng P2,225,612.00 halaga ng ilgal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa ibat-ibang bayan ng lalawigang ito. Sa ulat ng Bulacan Police Provincial Office, ikinasa ng mga operatiba ang 44 operasyon kontra iligal na droga nitong Hunyo 14-20 taong kasalukuyan. Ayon sa ulat, nasamsam sa operasyon ang 325.09 gramo ng shabu...

Political neutrality pairalin sa impeachment – Diokno

0

MANILA, Philippines - Dapat umanong pairalin ng mga senator-judges ang “political neutrality” sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ito ang binigyang-diin ni House prosecution panel member at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno, kasabay ng pagpapaalala sa mahalagang tungkulin ng 24 na miyembro ng Senado bilang impeachment court. “nakalagay sa impeachment rules ng Senado na lahat ng mahistrado,...

Pamamaril sa paaralan sa Tacloban, dahil sa bullying

0

MANILA, Philippines -  Nagdadalamhati ngayon ang isang paaralan sa Tacloban City, Leyte matapos masawi ang tatlong estudyante at pagkasugat ng lima pa sa isang shooting incident sa  San Jose National High School sa nasabing lungsod. “Bullying” diumano ang itinuturong dahilan ng pamamaril ng dalawang suspek na batay sa police report ay nasa Grade 9. “As we mourn, we must also reflect...

Drug-cleared status ng 20 Barangay sa Baguio, binawi

0

BAGUIO, Philippines - Binawi ang drug-cleared status ng 20 barangay sa Baguio City matapos matuklasang may mga aktibong tulak ng ilegal na droga sa mga ito, ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Ayon kay Magalong, ang desisyon ay ginawa ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program. Kabilang sa mga barangay na nawalan ng drug-cleared status ang Asin...