Kim, may pakiusap, humingi ng respeto kay Xian!
Manila, Philippines- Sa ekslusibong panayam ni MJ Felipe, naurirat si Kim Chiu sa mga naging pahayag ng ex na si Xian Lim tungkol sa estado ng naging paghihiwalay nila ng chinita actress. May nabanggit kasi ang aktor sa isang panayam na hindi siya ang nag-initiate ng breakup nila ng “It’s Showtime” host na nabigyan ng iba’t-ibang kulay ng kibitzers. Sa promo...
Dagdag-honoraria para sa mga guro sa midterm elections sinisilip ng Comelec
MANILA, Philippines- Sinisilip ng Commission on Elections (Comelec) na itaas ang honoraria para sa mga miyembro ng electoral board at support staff para sa 2025 midterm elections dahil sa karagdagang oras ng botohan. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ipaglalaban ng komisyon ang karagdagang honoraria ng mga guro 'across the board.’ "Wala na nga silang tax exemption eh, pagkatapos pagdadagdagin pa...
Ilang kalsada sa San Juan isasara sa prusisyon ngayong Linggo, Hunyo 9, 2024
MANILA, Philippines- Nag-abiso ang lokal na pamahalaan ng San Juan City nitong Sabado na isasara ang ilang kalsada ngayong Linggo ng hapon para sa pagsasagawa ng prusisyon ng patron saint ng lungsod. Sinabi ng local government na magpapatupad ng rerouting kapag nagsimula na ang prusisyon ng imahe ng St. John the Baptist. “Notice is hereby given to the public that portion...
Traffic rerouting scheme kasado sa Independence Day
MANILA, Philippines- Magpapatupad ng pansamantalang pagsasara ng kalsada sa Maynila upang bigyang-daan ang ika-126 na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12. Mula alas-6 hanggang alas-10 ng umaga, ang mga sumusunod na kalsada ay pansamantalang isasara sa trapiko: Roxas Blvd – parehong hangganan mula T. M. Kalaw hanggang P. Burgos T. M. Kalaw – mula kay Ma. Orosa hanggang...
Maasin, Southern Leyte nakapagtala ng 53°C heat index
MANILA, Philippines– Nakapagtala ng mas kaunting orange (danger) at red (exteme danger) marks sa heat index chart ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa nakalipas na limang araw subalit umakyat ang heat index sa Maasin, Southern Leyte sa 53 degrees Celsius nitong Sabado. Ang aktuwal na temperatura ng Maasin noong Biyernes ay 32.6°C lamang. Nasa ilalim ng danger...
Cash reward ng World Athletics may diskriminasyon, sabi ng EOC
BERLIN - Isang diskriminasyon at labag sa Olympic values ang desisyon ng World Athletics na mag-alok ng premyong pera sa mga gold medalist sa Paris Olympics sa susunod na buwan, ayon sa pangulo ng European Olympic Committee na si Spyros Capralos. Nag-anunsiyo ang World Athletics (WA) at International Boxing Association (IBA) ng pagbibigay ng premyo para sa kanilang sariling mga medalist, kung saan nag-alok ang WA ng $50,000 na...
Archer Bantiloc swak sa Paris Paralympics
Nai-book na ni Para archer Agustina Bantiloc ang kanyang slot para sa 2024 Paralympic Games sa Paris. Naging kwalipikado ang Bantioc sa pamamagitan ng Bipartite Commission Invitation at sa pag-abot sa minimum qualification standard, ayon sa anunsyo ng Philippine Sports Commission. Siya ay bahagi ng duo na umangkin ng bronze medal sa Compound Open Mixed Category ng Para Archer Olympic Qualifers...
De Brito nanatiling head coach ng Alas women
MANILA, Philippines -- Handa na sanang umuwi sa Brazil si Jorge Souza de Brito pero binigyan pa ito ng contract extension para muling pamunuan ang Philippine National Volleyball Federation hanggang Disyembre sa susunod na taon. Ito’y dahil sa sa makasaysayang pagganap ng Alas Pilipinas sa AVC Challenge Cup ilang linggo na ang nakararaan sa Rizal Memorial Coliseum kung saan pinangunahan ni De...
Zamboanga tiniris si Grandjean sa ONE Bangkok card
MANILA, Philippines -- Hindi nagpatalo ang Pinay mixed martial artist na si Denice Zamboanga sa nang dominahin ang replacement fighter na si Noelle Grandjean sa ONE 167: Tawanchai vs. Nattawut II noong Sabado ng gabi sa Impact Arena sa Bangkok. Dinaig ni Zamboanga si Grandjean, na pumalit sa ONE atomweight MMA world champion na si Stamp Fairtex ilang linggo bago niya dapat ipagtanggol ang kanyang titulo...
PVL nagtakda ng salary cap
MANILA, Philippines — Sinabi ni Premier Volleyball League (PVL) president Ricky Palou na itinatakkda na nila ang minimum na suweldo na P50,000 kada buwan para sa lahat ng mga manlalaro ngunit patuloy pa rin ang mga talakayan upang matukoy ang mga limitasyon para sa mga beterano gayundin ang mga rookie na sumali sa inaugural draft sa Hulyo 6. "Kami ay nag-uusap...












