Banta ng Tsina tinalakay ni Austin; ‘ironclad treaty’ sa Pinas muling iginiit

0

MANILA, Philippines- Sinubukan ni US Defense Secretary Lloyd Austin na muling pagtuunan ng pansin ang banta ng Tsina sa Pasipiko. Sa katunayan, inulit nito na ang mutual defense treaty ng Estados Unidos sa Manila ay "ironclad." Si Austin, nagsalita sa annual Shangri-La Dialogue security summit sa Singapore, hangad na pagaanin ang mga alalahanin na ang tunggalian sa Ukraine at Gaza ay...

P10M pabuya alok ni Gov. Remulla sa makapagpapatunay ng koneksyon ng pamilya sa POGO

0

CAVITE- Hinamon ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang publiko na magbibigay ito ng P10 milyon sa sinumang makapagpapatunay sa ugnayan ng kanilang pamilya sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO), iniulat kahapon. Mariin namang itinanggi ng gobernador ang mga naglalabasang isyu sa social media na ang kanyang pamilya ay naging "tagapagtanggol" ng negosyong nauugnay sa ilang ilegal na aktibidad sa Pilipinas...

Alice Guo, hinamon sa Senado: Sumailalim sa DNA test

0

MANILA, Philippines- Hinamon ng isang senador si Banbam Tarlac Mayor Alice Guo na sumailalim sa DNA test kasama si Wen Yi Lin  isang Chinese citizen na pinaghihinalaang tunay na ina nito taliwas sa nakatala sa late registration ng kanyang birth certificate. Sinabi ni Senador Win Gatchalian na madali lang mag-imbento ng kuwento kaya mas makabubuting sumailalim ito sa isang DNA...

‘No face mask, no entry’ policy pinairal sa Angeles City

0

ANGELES CITY, Pampanga- Muling nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng lungsod na ito ng 'no face mask, no entry' sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan. Sa ipinalabas na memorandum noong Mayo 29, mahigpit na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Angeles City, Pampanga ang pagsusuot ng face mask dahil sa banta ng COVID-19. Nakapagtala ang lokal na pamahalaan ng pagtaas ng...

Mga eksperto naalarma sa pagtaas ng bilang ng sumasailalim sa dialysis

0

MANILA,Philippines- Nagpahayag ng pag-aalala ang mga eksperto sa bilang ng mga Pilipino na humihingi ng dialysis procedures dahil sa kidney failure. Ayon ulat, ang bilang ng dialysis patients sa bansa ay umakyat sa  42%—mula 25,125 noong 2022 sa 35,714 noong 2023.  Ang biglaang pagtaas ng bilang ay maaaring maiugnay sa pagdami ng mga taong na-diagnose na may diabetes at hypertension, na...

Singaporean President Tharman bibisita sa Pinas sa Agosto

0

SINGAPORE- Inilahad ni Pangulong Ferdinand ''Bongbong'' Marcos Jr. nitong Sabado na bibisita si Singaporean President Tharman Shanmugaratnam sa Pilipinas sa Agosto. ''The President has already graced our invitation for him to visit and is planning a visit to our country in August. And the Prime Minister, he says, he will follow as quickly as he can,'' ani Marcos sa kanyang...

Malinaw na patakaran sa pagbebenta, pagsasanla ng unregistered car ipinakakasa ni Poe sa LTO

0

MANILA, Philippines- Inatasan ni Senador Grace Poe ang Land Transportation Office (LTO) na tiyakin na malinaw ang patakaran sa plano nitong pagpaparusa sa pagbebenta at pagsasanla ng hindi rehistradong sasakyan. Sinabi ni Poe na dapat matiyak ang ahensya na may malinaw na sistema na naikasa upang maayos at mapadali ang implementasyon ng patakaran. “Dedicated personnel must be ready to attend to...

Rekisitos na pagsusumite ng mga propesyonal sa BIR ng appointment books pinalagan ng SC

0

MANILA, Philippines- Pinawalang-saysay ng Supreme Court ang regulasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nag-oobliga sa self-employed professionals na magsumite ng kanilang rates at magrehistro ng appointment books upang ma-monitor ang kanilang tax compliance. Sa desisyon ng Supreme Court En Banc, idineklara itong walang bisa dahil sa paglabag sa right to privacy of professionals at sa kanilang kliyente na...

Extension ng deadline para sa BARMM polls accreditation suportado ni Garcia

0

MANILA, Philippines- Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na sinusuportahan niya ang panukalang pagpapalawig ng deadline para sa akreditasyon ng mga sektoral na organisasyon na gustong lumahok sa kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na parliamentary elections sa susunod na taon. Ito ay sa gitna ng panawagan ng ilang grupo para sa pagpapalawig ng...

Marcos: ‘I work for the Philippines’

0

SINGAPORE- Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand ''Bongbong'' Marcos Jr. na hindi siya nagtatrabaho para sa anumang makapangyarihang bansa, kabilang ang Estados Unidos at China. Inihayag ito ni Marcos sa bilateral meeting nitong Biyernes kasama si Lithuanian Prime Minister Ingrida Šimonyte sa pagpapahayag nila ng paninindigan sa pagpapairal ng international rules-based order sa pagsusulong ng kapayapaan at seguridad. Pinag-aagawan ng Pilipinas at China...