Magkapatid na ‘fixer’ tiklo sa entrapment ops
MANILA, Philippines- Swak sa selda ang magkapatid na babae mula Tondo, Manila, kasunod ng anti-fixing operation ng Land Transportation Office (LTO) malapit sa Central Office ng ahensya sa Quezon City. Kinilala ni LTO chief Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II ang mga suspek na sina Teresita at Kathleen Joy dela Cruz, at sinabing kasalukuyang nakaditene ang dalawa sa QC Police...
‘Kariton ng Bagong Buhay at Pag-asa’ sa Manila City Jail gumulong
MANILA, Philippines- Inilunsad ng Manila City jail Male Dorm ang dalawang After Care Program nito na “Kariton ng Bagong Buhay at Pag-asa” at “Padyak Para sa Pagbabago” nitong Martes ng umaga.Kasabay ng paglulunsad ay ang ribbon cutting ceremony para sa Cyber Communication Center (North Sector). Idinisenyo ang After Care Program para magbigay ng napapanatiling oportunidad sa kabuhayan para sa mga...
DOH sa publiko: Email na nagpapanggap bilang si Sec. Herbosa peke
MANILA, Philippines- Hinikayat ng Department of Health (DOH) nitong Martes ang publiko na maging alerto laban sa isang email na nagpapanggap bilang si Health Sec. Ted Herbosa. Sa abiso, sinabi ng ahensyang "this email is not owned by the Secretary of Health. Furthermore, any statements comments, and transactions made by this email does not represent Secretary Herbosa." Nagbabala rin ang ahensya...
Karahasan vs menor-de-edad na kababaihan ikinabahala ng CHR
MANILA, Philippines- Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) nitong Martes sa mga awtoridad na agad na respondehan at panagutin ang mga may sala sa mga kaso kamakailan ng pagpaslang at pang-aabuso sa mga menor-de-edad na kababaihan. Kabilang sa mga kasong tinutukoy ng CHR ang pitong anyos na babae na natagpuang nakasilid ang bangkay sa General Santos City, at hinihinalang...
Sa gitna ng banta ng pertussis, sobrang init blended learning ipatupad – solon
MANILA, Philippines- Kasunod ng pagbabalik-eskwela matapos ang Mahal na Araw, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang lahat punong-guro na magpatupad muna ng blended learning sa gitna ng pangamba ng magulang sa banta ng pertussis o whooping cough at mainit na panahon. “Nais nating paalalahanan ang mga punong-guro na kung may banta sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, maaaring magpatupad ang...
11 lugar nagbabadyang masapul ng dangerous heat index
MANILA, Philippines- Inaasahang makararanas ang Pasay City, kasama ang 10 lugar sa bansa ng dangerous level ng heat index ngayong Martes, ayon sa state weather bureau PAGASA. Hanggang nitong Lunes, alas-5 ng hapon, inaasahan ang heat index mula 42 hanggang 51 degrees Celsius sa mga sumusunod na lugar: Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City- 42°C Dagupan City, Pangasinan-...
Mga mag-aaral, estudyante pinayagang magsuot ng komportableng damit sa pagpasok
MANILA, Philippines- Bunsod ng nararanasang matinding init sa mga eskwelahan, pinahintulutan ng Division of City Schools of Manila ang mga guro at estudyante na magsuot ng komportableng damit. Batay sa Division Memorandum No. 123, series of 2024, ang mga guro at estudyante ay pinapayagan din na magsuot ng mas komportableng damit maliban sa uniporme upang mabawasan ang init na kanilang...
Direktor ni Arjo, isang transwoman!
Manila, Philippines - Natatandaan n'yo pa ba ang direktor na si Vincent Sandoval? Years ago, he was the brilliant mind behind films like Aparisyon and Señorita. Noong 2013 ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ni Vincent. Ito'y nang magtungo siya sa Amerika at magpapalit ng kanyang status. Vincent Sandoval noon, Isabel Sandoval na ngayon! You read it right, isa nang ganap na sugo...
Babala ni Teodoro: Isyu sa WPS inililigaw ng Tsina
MANILA, Philippines- Nagbabala si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa umano'y pagsisikap ng Tsina na palitan ang paraan ng debate hinggil sa West Philippine Sea (WPS) dahil sa sinasabing "gentlemen's agreement" sa pagitan ng Tsina at ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. "Let us not fall into the trap set by Chinese propaganda of refocusing the debate on a so-called...
Deklarasyon ng ‘drug war’ tinabla ni PNP chief Marbil
MANILA, Philippines- Hindi kailangang magdeklara ng drug war sa bansa, ayon kay bagong Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco Marbil nitong Martes. “Wala po kaming giyera dito e... It's more of talaga kung paano natin ibaba yung crimes natin based doon sa mga parameters natin,” pahayag ni Marbil sa isang press briefing. “I don't want to say na...












