Ibinasurang campaign donation case vs Marcoleta ‘di bubuhayin ng Comelec
MANILA, Philippines - Walang plano ang Commission on Elections (Comelec) na buhayin ang imbestigasyon sa campaign donations na tinanggap ni Senador Rodante Marcoleta matapos maibasura ang kaso ilang buwan na ang nakalilipas. Ang pahayag ay kasunod ng inihaing reklamo ng Office of the Deputy Ombudsman para sa plunder at three counts ng indirect bribery laban kay Marcoleta sa umano'y campaign...
NBI nagbabala sa Senado sa pagiging kanlungan ng pugante
MANILA, Philippines - Nagbabala si National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag sa Senado sa pagiging isang kanlungan ng mga pugante, at sinabing maaari nitong mapababa ang tiwala ng publiko sa law enforcement at justice system ng bansa. Nag-isyu ng babala si Matibg matapos na mawala sa mata ng publiko si Senador Ronald "Bato" Dela Rosa sa kabila ng pagsisiguro...
Advertising permit rules draft lang, ‘di ipatutupad – DTI
MANILA, Philippines - Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Sabado, Mayo 23, na ang kontrobersyal na proposal na mag-oobliga ng permit sa mga patalastas kabilang ang mga nakapost online, ay internal draft lamang at hindi ipatutupad. Naisapubliko kasi ang draft na mag-oobliga umano ang DTI ng permit 30 working days bago ang pagpapalabas nito, kahit pa sa...
Patay sa gas explosion sa coal mine sa China, umakyat na sa 90
CHINA - Umakyat na sa 90 ang bilang ng mga nasawi sa gas explosion sa coal mine sa Shanxi province, China. Ang gas explosion ay nangyari nitong Biyernes, Mayo 22 sa Liushenyu coal mine sa Qinyuan county, kung saan mayroong 247 manggagawa ang naka-duty underground. Nanawagan naman si Chinese President Xi Jinping sa mga awtoridad "to spare no effort" sa paggamot...
Alan Cayetano humihirit ng independent probe sa Senate shooting incident
MANILA, Philippines - Nanawagan si Senate President Alan Peter Cayetano nitong Sabado, Mayo 23 para sa impartial investigation sa shooting incident sa Senado noong nakaraang linggo. Sa Facebook live, sinabi ni Cayetano na ang insidente ay dapat na tugunan nang may propesyonalismo. “Let’s deal with it professionally. Let’s have an independent investigation. Let’s wait for all of the results,” ani Cayetano. “In...
713 pamilya inilikas sa malaking sunog sa Delpan
MANILA, Philippines - Inilikas ang nasa 713 pamilya sa nangyaring malaking sunog sa Parola, Binondo, Manila nitong Sabado, Mayo 23. Ayon sa Manila Department of Social Welfare (MDSW) ay nagpapatuloy ang validation sa mga pamilyang dinala sa Delpan Evacuation Center. Sinabi ni MDSW Director Jay Dela Fuente na 9:33 ng gabi ng Sabado, ay nasa 713 pamilya na ang naitalang apektado...
Peace proposal tinitimbang ng Iran, US inakusahan ng ‘excessive demands’
IRAN — Inakusahan ng Iran ang Estados Unidos ng paggawa ng “excessive demands” habang patuloy na pinag-aaralan ng Tehran ang pinakabagong peace proposal kaugnay ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan. Ito’y kasabay ng mga ulat mula sa US media na ikinokonsidera umano ng White House ang panibagong military strikes laban sa Iran. Ayon sa Iranian media nitong Sabado, Mayo 23,...
Mans Carpio nagsampa ng reklamong perjury vs Trillanes sa testimonya sa Kamara
MANILA, Philippines - Nagsampa ng reklamong perjury si Manases Carpio laban kay dating Senador Antonio Trillanes IV, sa umano'y maling sinumpaang pahayag sa pagdinig sa Kamara noong nakaraang buwan kaugnay sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte. Si Carpio ay naghain ng reklamo sa Pasig City Prosecutor’s Office. Itinuturo niya si Trillanes na nagsinungaling umano sa kanyang testimonya sa...
Lampas 30 na-trap sa gumuhong gusali sa Pampanga
MANILA, Philippines - Nasa 30 hanggang 40 indibidwal ang natrap sa gumuhong siyam na palapag na gusali na itinatayo sa Angeles City, Pampanga madaling araw ng Linggo, Mayo 24. Ayon sa Angeles City Information Office, nagpapatuloy ang search and rescue operations. Sa panayam ng DZBB kay Angeles City Information Office head Jay Pelayo, ang gusali ay itinatayo sa Teodoro Street sa...
Shari’ah Bar exams simula na ngayong araw
MANILA, Philippines - Nakatakda ngayong Linggo, Mayo 24, ang 2026 Shari’ah Special Bar Examinations (SSBE) na pangungunahan ng Korte Suprema sa apat na local testing centers sa buong bansa. Bukod sa nakatakda ngayong araw ay mayroon ding pagsusulit sa Mayo 27 sa designated testing centers sa Quezon City, Davao City, Iligan City, at Zamboanga City. Sa Quezon City, ang New Era...












