Japanese bank interesado sa PH energy sector, MIF

0

MANILA, Philippines - HANGAD ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) na makatuwang  ang mga kompanya sa Pilipinas pagdating sa energy development. Nagpahayag din ang JBIC ng interes sa newly-passed Maharlika Investment Fund (MIF). Nagpahayag ng interes ang JBIC para sa  energy tie-ups sa kompanya ng Pilipinas sa isinagawang courtesy call ni JBIC Chairman of the Board Tadashi Maeda kay Pangulong Ferdinand...

Halos 97.5% self-sufficiency sa bigas, target ng PBBM admin

0

MANILA, Philippines - TARGET ng pamahalaan na makamit ang 100% self-sufficiency sa bigas sa loob ng limang taon. Ito'y matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP). Binanggit ni Pangulong Marcos ang bagay na ito sa isinagawang  Rice Industry Convergence Meeting sa Quezon City, araw ng Miyerkules, Mayo 31. “This convergence meeting, I think, has...

OFW bibigyang-prayoridad sa plastic driver’s license card – LTO

0

MANILA, Philippines - Maaaring isaprayoridad ng Land Transportation Office (LTO) ang overseas Filipino workers sa pagbibigay ng plastic driver's license cards sa kabila ng kinakaharap nitong shortage. Sa kasalukuyan kasi, ang mga aplikante ng driver's license ay nakatatanggap lamang ng kanilang lisensya sa papel. Ayon kay LTO officer-in-charge Hector Villacorta, dating assistant secretary sa transportation department, mayroon na lamang natitirang 53,000...

Person of interest sa pagpatay sa Mindoro broadcaster, tukoy na – PNP

0

MANILA, Philippines - Tukoy na ng mga imbestigador ang person of interest sa pagpatay sa isang radio broadcaster sa Oriental Mindoro. Nitong Miyerkules, Mayo 31 ay binaril-patay si Cresenciano Bunduquin, 50, ng mga gunmen na sakay ng motorsiklo sa Calapan City. Namatay ang isa sa mga suspek nang banggain ng sasakyang minamaneho ng anak ni Bunduquin ang mga tumakas na gunmen. Nakatakas...

Chikiting Ligtas, pinalawig ng DOH

0

MANILA, Philippines - Pinalawig ng Department of Health (DOH) ang kanilang nationwide immunization drive laban sa tigdas, rubella, at polio hanggang Hunyo 15. Tinawag na “Chikiting Ligtas” ang pagbabakuna ng DOH na layong wakasan ang highly transmissible na sakit ngunit vaccine-preventable tulad ng tigdas, rubella, and polio. Inilunsad ang Chikiting Ligtas 2023 noong Abril 27. Ang kampanya ay dapat sanang matatapos...

7 arestado sa P4.1M smuggled cigarettes sa Zamboanga

0

MANILA, Philippines - Pitong suspek ang inaresto ng mga awtoridad matapos mahulihan ng aabot sa P4.1 milyon na halaga ng smuggled na sigarilyo sa Zamboanga City. Ayon kay Col. Alexander Lorenzo, Zamboanga City Police Office director, kinilala ang mga inarestong suspek na sina Atara Sakilan Wahab, 60, motorboat skipper; Jester Ares, 22; Nabil Abdurasad, 50; Eldisen Ahalil, 29; Omar Mahmor,...

Panawagang maging drug czar sa PBBM admin, tinanggihan ni ex-PRRD

0

MANILA, Philippines - Tinanggihan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagan na maging drug czar siya sa ilalim ng administrasyong Marcos. Ang tugon niyang ito sa panawagan nina Senador Ronald Dela Rosa at Senador Christopher "Bong" Go ay upang magbigay daan sa kasalukuyang liderato na solusyunan ang problema sa droga sa kanilang sariling pamamaraan. Matatandaan na maging si Police Chief Benjamin...

15K Pinoy apektado ng bagyong Betty – NDRRMC

0

MANILA, Philippines - Aabot sa 15,000 Filipino ang naapektuhan ng bagyong Betty habang patuloy itong kumikilos palabas ng bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC hanggang nitong Miyerkules, Mayo 31, nasa 14,908 na indibidwal o 3,821 pamilya ang apektado ng bagyo sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon,...

Quiapo Church isa nang Archdiocese

0

MANILA, Philippines - Itinaas na sa katayuan na isang Archdiocesan Shrine ang Parokya ni San Juan Bautista na kilala bilang Simbahan ng Quiapo. Ito ay matapos aprubahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang petisyon ni Fr. Rufino Sescon Jr., rector ng parokya. “We hereby decree that the Minor Basilica of the Black Nazarene - St John the Baptist Parish (Quiapo...

2 na nasita sa pagyoyosi, kalaboso sa P36K damo sa Caloocan

0

MANILA, Philippines - SA kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki matapos mabisto ang dala nilang nasa P36,000 halaga ng high-grade marijuana nang masita dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina Ronald Oliva Jr, 20 at Gabriel Abamonga alyas "Gab", 20, kapwa ng Quezon City. Sa...