Bong Go: Maharlika Investment Fund, tiyaking ‘di makokorap
MANILA, Philippines- Nanawagan sa Ehekutibo si Senator Christopher “Bong” Go na tiyaking hindi masasayang sa korapsyon at maling paggamit ang pondo ng taongbayan. Ginawa ni Go ang panawagan matapos aprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2020 na lilikha sa Maharlika Investment Fund noong madaling araw ng Miyerkules, Mayo. 31. Sa kanyang paliwanag matapos bumoto ang...
Navotas pinarangalan sa good governance
MANILA, Philippines- Sa ikalawang pagkakataon, muling pinarangalan ang Navotas City para sa good governance at exemplary service mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA).Kabilang ang lungsod sa pitong local government unit (LGU) sa bansa na nagkamit ng Accelerating Reforms for Improved Service Efficiency (ARISE) Award mula sa ARTA.Tinanggap nina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Vice Mayor Tito Sanchez ang parangal mula kay Secretary Ernesto Perez at Undersecretary Gerald Divinagracia sa idinaos na 5th anniversary...
Tricycle sinuwag ng motorsiklo: 1 patay, 4 sugatan
ILOCOS NORTE- Patay ang isang pasahero habang apat na iba pa ang sugatan matapos na aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo ang isang tricycle sa Brgy. 10 San Jose, Laoag City ng lalawigang ito kahapon, Mayo 31. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang pasaherong si Charito Rosqueta Valdez, 42, residente ng Brgy. 7 Caunayan, Batac City. Si Valdez ay nakasakay sa...
Geomapping ng agri lands, ipinakakasa ni PBBM
MANILA, Philippines- Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang lahat ng agricultural lands sa bansa ay sumailalim sa geomapping para magtatag ng soil maps para sa partikular na agricultural products para tiyakin na maitataas ang ani at mapahuhusay ang kita ng mga magsasaka. Nagpalabas ng kautusan ang Pangulo sa isinagawang pakikipagpulong sa Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM)...
Obrero isinelda sa pambubugbog sa cellphone technician
MANILA, Philippines- Himas-rehas ang isang construction worker matapos pagsasapakin ang isang cellphone technician makaraan ang kanilang komprontasyon sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong suspek na si Neil Patrick Pagal, 26 ng Block 6, Lot 3, KSHC, HOA, Hernadez Street, Barangay Catmon. Lumabas sa imbestigasyon nina PSSg Bengie Nalogoc at PCpl Renz...
7 tiklo sa NBI sa illegal quarrying
MANILA, Philippines- Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong indibidwal na iniulat na sangkot sa illegal quarrying operations sa Barangay San Isidro sa Angono, Rizal. Kinilala ng NBI ang mga naaresto na sina Bonbon E. Camanian, Marcial R. Bustamante, Jomar T. Marigondon, Ricky B. Buenaventura, Rustian S. Villamora, Richard S. Evangelista, at Rodel O. Pangilinan. Ayon sa NBI, nag-ugat...
NegOr Gov. Carlo ‘Guido’ Reyes na humalili kay Roel Degamo, pumanaw na
BACOLOD CITY- Pumanaw na si Negros Oriental Gov. Carlo Jorge Joan “Guido” Reyes nitong Miyerkules ng umaga. Humalili sa kanya si Vice Gov. Manuel Sagarbarria noong hapon, ilang oras kasunod ng kanyang pagpanaw. Kinumpirma ni Karen Lisette Molas, provincial administrator, ang pagkamatay ni Reyes sa Facebook account ng provincial government. Sinabi ni Molas na ipinagbigay-alam sa kanya ni Guihulngan City Vice Mayor...
‘Betty’ humina; signal warning, kinalos ng PAGASA
MANILA, Philippines- Kinalos ng state weather bureau PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal warning sa bansa sa patuloy na paghina ni Severe Tropical Storm Betty nitong Huwebes ng umaga. Sa abiso, sinabi ng PAGASA na inaasahang lalabas si Betty, dating super typhoon na may international name na Mawar, sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Huwebes ng hapon. Hanggang nitong alas-10...
Panukala sa pagtatag ng Natural Gas Industry umusad na sa Kamara
MANILA, Philippines - Pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 8456 o panukalang pagtatag ng Philippine Downstream Natural Gas Industry Development Act na isa sa legislative priority ng Marcos administration. Ayon kay House Committee on Energy Chairman Rep. Lord Allan Velasco ang pagsasabatas ng nasabing panukala ay mahalaga para palakasin ang paggamit ng natural gas...
Cafgu patay sa kawatan
MATALAM, Cotabato- DUGUAN bumulagta sa kalsada ang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos malapitang pagbabarilin ng hindi pa kilalang kawatan at tinangay ang bag ng una, sa bayang ito. Kinilala ang biktimang si Ariel Tanio Wacan, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Valencia, Cotabato City. Ayon kay P/Lt.Col. Arniel Melocontones, hepe ng Matalam PNP, bago ang krimen...









