6-anyos hinigop ng swimming pool, utas

0

MANILA, Philippines - Isang anim na taong gulang na batang lalaki ang nalunod sa swimming pool ng isang resort sa Barangay Parina, Jiabong, Samar nitong Lunes, Mayo 18. Kinilala ang biktima na si Kiel. Ayon sa pulisya, abala ang pamilya ng bata sa pag-empake ng kanilang gamit sa resort nang humingi siya ng pahintulot sa kanyang kuya na si Athan na...

Mayor na binazooka, humirit sa DOJ na madaliin imbestigasyon

0

MANILA, Philippines - Hinimok ng isang alkalde sa Maguindanao del Sur ang Department of Justice (DOJ) na agad aksyunan ang imbestigasyon kaugnay ng umano’y mga tangkang pagpatay sa kanya, kabilang ang pag-atake gamit ang rocket-propelled grenade (RPG) sa kanyang convoy noong Enero. Ginawa ni Shariff Aguak Mayor Akmad “Mitra” Ampatuan ang panawagan matapos dumalo sa preliminary investigation ng kasong anti-terrorism...

Wanted sa rape ng 15 taon kumuha ng NBI clearance, himas-rehas

0

MANILA, Philippines - Isang lalaking wanted sa kasong rape sa loob ng 15 taon ang naaresto matapos matukoy habang kumukuha ng NBI clearance sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Iligan City, ayon sa mga awtoridad. Ayon sa NBI, personal na nagtungo ang suspek sa NBI–Iligan District Office nang lumabas sa routine verification na siya ay may “derogatory record” at...

P228M marijuana winasak sa Kalinga

0

MANILA, Philippines - Winasak ng Police Regional Office–Cordillera ang mga marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P228 milyon sa itinuturing na pinakamalaking eradication operation sa Mount Chumanchil, Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga mula Mayo 17 hanggang 18. Ayon sa pulisya, nasa 1.14 milyong fully grown marijuana plants ang binunot at sinunog sa 9.5-ektaryang taniman. Itinaas din ng mga awtoridad ang bandila ng...

Kelot na dumalo sa burol, nanaksak ng 4 katao

0

DAVAO CITY - Arestado ang isang lalaki matapos manaksak ng apat na katao sa burol na kanyang dinaluhan sa Davao City, ayon sa mga awtoridad nitong Lunes. Nangyari ang insidente sa Barangay Mulig, Toril noong madaling araw ng Sabado, batay sa ulat ng Davao police. Ayon sa pulisya, pinauwi umano ang suspek ng isang lalaki, na ikinagalit nito. Makalipas ang ilang minuto,...

Lesbian na gumulpi sa 4-anyos na anak ng kinakasama, kalaboso!

0

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 28-anyos na babae sa Taguig City matapos makuhanan ng video ang umano’y pananakit nito sa isang apat na taong gulang na batang lalaki, na anak ng kanyang kinakasama, nitong Lunes, Mayo 18. Ayon sa pulisya, mabilis na naaresto ang suspek na kinilalang kinakasama ng ina ng biktima, matapos kumalat sa social media ang video...

Sirit-42%: Higit 9,000 insidente ng sunog naitala – BFP

0

MANILA, Philippines - Iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang 42% na pagtaas ng mga insidente ng sunog sa buong bansa, na umabot na sa mahigit 9,000 kaso kumpara sa 6,675 sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Ayon kay BFP spokesperson Fire Supt. Anthony Arroyo sa isang briefing, umaabot na sa 9,451 ang naitalang sunog sa kasalukuyan, na iniuugnay...

BINI pinarangalan sa Kamara

0

MANILA, Philippines - Inaprubahan ng House of Representatives ang House Resolution No. 93 na kumikilala at bumabati sa Pinoy pop group na BINI matapos silang maging kauna-unahang Filipino pop act na nagtanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2026. Ayon kay House Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos III, ipinapakita ng pagkilalang ito hindi lamang ang international breakthrough ng BINI...

142K dyip, UV Express aprub sa P10/L fuel subsidy

0

MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 141,724 yunit ng mga jeepney at UV Express na makatatanggap ng PHP10 kada litro na fuel discount sa ilalim ng government Fuel Subsidy Program. Ayon kay LTFRB Chair Vigor Mendoza II sa isang pahayag nitong Lunes, saklaw ng programa ang buong bansa at kasalukuyan na itong ipinatutupad,...

Nanay utas, 2 anak sugatan sa bumulusok na malaking bato sa Rizal

0

MANILA, Philippines - Isang 37-anyos na ina ang nasawi habang sugatan ang dalawa niyang anak matapos bumagsak ang isang malaking bato sa kanilang bahay sa Rodriguez, Rizal nitong madaling araw ng Linggo, ayon sa pulisya. Batay sa Rizal Police Provincial Office, nangyari ang insidente bandang 5:30 a.m. sa Sitio Macopoy, Barangay Mascap. Ayon sa isang residente, nakarinig sila ng malakas na...