Kamangmangan ni VP Sara sa paggamit ng computer, nakababahala – Castro
MANILA, Philippines - Nagpahayag nang pagka-alarma si Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi siya marunong mag-computer. Sa isang ambush interview sa sidelines ng ASEAN sa Cebu, winika ni Castro na mismong si VP Sara ang umamin na hindi s’ya marunong mag-computer at ginagamit lang ito kapag nagzu-zoom. Ani Castro, nakakalaarma ang...
3 arestado sa Romblon dahil sa ilegal na transportasyon ng LPG, produktong petrolyo
ROMBLON, Philippines - Arestado ang tatlong lalaki sa Corcuera, Romblon matapos mahuling ilegal na nagbiyahe ng produktong petrolyo at liquefied petroleum gas (LPG) cylinders. Ayon sa Philippine National Police (PNP), nahuli ang mga suspek na nagdadala ng fuel at LPG nang walang kinakailangang pahintulot mula sa Department of Energy (DOE) at mga may-ari ng LPG brand. Nakumpiska ng mga awtoridad ang...
PNP, nagtalaga ng bagong regional police chiefs sa Ilocos, MIMAROPA, at Negros Island Region
MANILA, Philippines - Naglabas ang Philippine National Police (PNP) ng bagong mga assignment para sa ilang regional police chiefs sa Ilocos, MIMAROPA, at Negros Island Region (NIR) noong Biyernes, Mayo 8. Ayon sa General Order No. NHQ-GO-DES-2026-2397 na may petsang Mayo 7, epektibo ang mga pagbabago noong Mayo 8. Sa order, itinalaga si Brig. Gen. Jovencio Badua Jr., dating director ng...
Fuel-sharing pact, regional power grid sa gitna ng global shock, suportado ng ASEAN
CEBU, Philippines - In-endorso ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang mas mabilis na implementasyon ng regional energy-sharing mechanisms at power interconnectivity projects sa gitna ng lumalaking alalahanin kaugnay sa global fuel supply disruptions na in-uugnay sa labanan sa Gitnang Silangan. Sa press conference kasunod ng 48th ASEAN Summit sa Cebu, sinabi ni Pangulong Ferdinand R....
Simula ng BARMM COC filing, mapayapa – Comelec
MAGUINDANAO DEL SUR, Philippines - Ikinatuwa ng Commission on Elections (Comelec) ang maayos at mapayapang pagsisimula ng proseso ng halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), matapos walang maitalang election-related violence sa filing ng certificates of candidacy (COCs) ngayong linggo. Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, wala pang naiuulat na karahasan mula sa Philippine National Police (PNP)...
Pinoy na itinuturing ang sarili bilang mahirap, bahagyang tumaas – sarbey
MANILA, Philippines - Bahagyang tumaas ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na itinuturing ang sarili bilang mahirap sa unang quarter ng 2026, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS). Sa survey na isinagawa mula Marso 24 hanggang 31, 2026, lumabas na 52% o humigit-kumulang 14.5 milyong pamilya ang nagsabing sila ay “mahirap,” mas mataas ng 1 puntos mula...
ASEAN sa giyera sa Gitnang Silangan: ‘Peace — now’
CEBU, Philippines - "Peace—now.” Ito ang diretsahang mensahe ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) leaders sa mga partido na may kinalaman sa umigting na labanan sa Gitnang Silangan. Sa pagsasalita sa press conference sa sidelines ng 48th ASEAN Summit sa Cebu, sinabi ni Pangulong Marcos na nagkaisa ang mga ASEAN leaders sa panawagan para sa agarang tapusin na ang giyera...
Taas-sweldo sa mga gov’t doctor, limitasyon sa oras ng trabaho ng mga nars, isinusulong sa Kamara
MANILA, Philippines - Hinimok ni Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas ang kanyang mga kapwa mambabatas sa House of Representatives na bigyang-priyoridad ang dalawang panukalang batas na layong mapabuti ang kondisyon ng mga health workers sa bansa at maiwasan ang patuloy na pag-alis nila sa Pilipinas. Sa isang pahayag noong Biyernes, kasunod ng Health Workers’ Day, isinusulong ni Vargas ang...
Mosyon ni Padilla sa pagharang ng impeachment court, tatablahin sa Senado
MANILA, Philippines - Kung sakaling mangyari ang ganitong sitwasyon, handa si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson na tutulan at bumoto laban sa anumang mosyon na maglalayong pigilan o ipagpaliban ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court para sa posibleng kaso ni Vice President Sara Duterte-Carpio. Binigyang-diin din ni Lacson na nakalatag na ang Konstitusyon at ang mga...
DND: Mas mataas na teknolohiya sa depensa, kailangan; AFP, balak magdagdag ng missile systems
MANILA, Philippines - Sinabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. noong Biyernes na kailangan ng Pilipinas ng mas malaking pamumuhunan sa mas advanced na teknolohiya upang maging mas episyente at eksakto ang depensa ng bansa. Ayon kay Teodoro, ipinakita sa tatlong linggong “Balikatan” exercises ang paggamit ng makabagong teknolohiya ng militar na nagwakas nang walang malalaking...












