‘Di ibabalik peace talks sa NPA – Teodoro

0

MANILA, Philippines - Hindi ibabalik ang peace talks sa New People's Army, ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa kabila ng suhestyon ng mga dating negotiator. Aniya, ang peace talks ay magpapataas lamang sa ipinaglalaban ng NPA “to something legitimate,” na tinawag ni Teodoro bilang 'unacceptable.' "I object to any peace talks with the NPA. The...

Botohan sa NPC umarangkada na

0

MANILA, Philippines - Umarangkada na ang botohan sa National Press Club (NPC) ngayong araw, Mayo 3. Bago nito, nagsagawa muna ng General Assembly ganap na alas-9 ng umaga ang mga opisyal ng NPC bilang "Ulat sa Bayan." Naging masaya ang pagsisimula ng botohan kasabay ng mga dumadagundong na tambol. Punong-puno rin ng mga makukulay na tarpaulin ng mga kandidato at kanya-kanyang mga...

Sotto nagbabala sa delaying tactics sa impeachment ni Duterte

0

MANILA, Philippines - Nagbabala si Senate President Vicente Sotto III laban sa posibleng delaying tactics sa oras na umabot sa Senado ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Aniya, walang pangangailangan na amyendahan ang kasalukuyang impeachment rules ng kapulungan. Ani Sotto, ang kasalukuyang framework ay nasubok na sa mga nakaraang proceedings, kabilang ang impeachment trial ni dating Supreme Court...

Takaw-aksidenteng Beata Bridge kukumpunihin

0

MANILA, Philippines - Nagsimula na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagsasaayos ng steel railings at paglalagay ng reflectorized paint sa takaw-aksidenteng Nagtahan Link Flyover o kilala bilang Beata Bridge sa Pandacan, Manila nitong Sabado, Mayo 2. Matatandaan na nasawi ang isang rider matapos mawalan ng kontrol at mahulog sa flyover noong Abril 19. Sinimulan agad ang proyekto...

Top 1 MWP sa kasong statutory rape nalambat ng mga parak sa Bulacan

0

Bulacan - Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang Additional Most Wanted Person (MWP) Top 1 sa Municipal Level sa operasyon ng pulisya sa bayan ng Norzagaray nitong Mayo 1. Sa ulat ni PMAJ Demosthenes Desiderio Jr, OIC ng Norzagaray police station, kinilala ang akusado na isang 20 anyos na construction worker, residente ng Brgy. Tigbe. Ayon sa ulat,...

Tinedyer na nagbanta, nanutok ng baril kulong sa Navotas

0

MANILA, Philippines - KULUNGAN ang kinasadlakan ng 19-anyos na teenager nang pagbantaan at tutukan ng baril ang isang kelot sa Navotas City. Ayon kay Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela, mahaharap sa kasong Grave Threats at paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunations Regulation Act) ang suspek na residente ng Brgy., NBBN. Sa kanyang ulat kay NPD Acting Director P/BGen....

Toll collection sa CAVITEX C5 Link Segment 3B, magsisimula na sa Mayo 5

0

MANILA, Philippines - Sisingilin na ang mga motoristang gagamit ng Manila Cavite Expressway (CAVITEX) C5 Link Segment 3B simula Mayo 5, 2026. Sa abiso, pinayagan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) at partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA), na kumolekta ng bayad. Ito ay matapos na payagan ang mga motoristang dumaan nang libre sa buong buwan...

Lalaki napagkamalang magnanakaw, kinuyog patay sa Cavite

0

MANILA, Philippines - Isang 43-anyos na lalaki ang namatay makaraang pagtulungang bugbugin nang napagkamalang pumasok sa isang bahay sa Trece Martires City, Cavite nitong Biyernes ng gabi, Mayo 1. Sa report ng pulisya, nadala pa sa Gen Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si alyas Michael, 43, binata at residente ng Summer Homes, Brgy Cabuco ng nasabing lungsod subalit hindi na...

Barangay kagawad nahulihan ng droga sa Caloocan

0

MANILA, Philippines - KULUNGAN ang kinabagsakan ng isang barangay kagawad nang makuhanan ng ilegal na droga sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth, mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek na si alyas “Ver”, 55, Barangay Kagawad at residente ng Lakas ng Mahirap...

5 sugatan sa sunog sa Pasig City

0

MANILA, Philippines - Limang indibidwal ang sugatan matapos ang sunog na sumiklab sa residential area sa Barangay Caniogan, Pasig City. Sa ulat, kabilang sa sugatan ang 54-anyos na residente na nabalian. Kasama rin dito ang isang fire volunteer. Sa inisyal na imbestigasyon ay napag-alaman na nagsimula ang sunog 11:56 ng umaga sa isa sa mga bahay sa Sto. Niño Street. Umabot sa unang...